NANLISIK ang mga mata ni Addie pagkakita kay Levi. Ang aga-aga, sinisira ng pangit na 'to ang araw niya. Galit pa rin siya rito pero mas matimbang ang pagkairita. Ewan ba niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha nito ay naiirita siya.
At bakit ba ito nasa loob ng bahay nila at tinutulungan ang mama niya sa paghahanda ng breakfast sa dining table? Hardinero lang naman ang role nito sa bahay nila.
Maayos na sila ng family niya. Oo nagtampo siya dahil pinayagan ng mga ito si Levi na makalapit sa kanya pero hindi rin nagtagal. Hindi naman kasi niya kayang magtanim ng sama ng loob sa pamilya. Hindi niya kayang tikisin ang mga ito. Kapakanan lang niya ang iniisip kaya nagawa ng mga ito iyon. Kung tutuusin, ang family niya ang mas may karapatang magtampo sa kanya dahil ang tagal niyang hindi nakabisita 'tapos ganoon pa ang iaasta niya? Kahit pa naiintindihan siya ng mga ito.
Kasalanan iyon ng buwisit na lalaking naka-apron ng pink. Pakana nitong lahat iyon. Sa pagitan lang naman nilang dalawa ang issue, eh. Dinamay pa ang pamilya niya.
Hindi niya alam kung ano'ng trip ni Levi pero sasakyan niya ang laro nito. Kung gusto nitong magpakaalipin, puwes, sasamantalahin niya. Ayos nga iyon. May katulong sila. Mapapakinabangan nila ito. Napangisi siya.
"Good morning, 'Ma! Good morning, Kuya!" masiglang bati ni Addie nang makalapit sa dining table.
Napansin niya ang blue roses na nakalagay sa vase na nasa gitna ng mesa. Kanina rin paggising niya, may nakalagay na isang tangkay ng blue rose sa bedside table niya kasama ang isang medium-sized teddy bear at dalawang box ng assorted cupcakes. Hindi na niya itatanong kung sino ang nagbigay niyon. Obvious naman kung kanino galing.
"Good morning, anak. Umupo ka na at kakain na tayo," anang mama niya habang inilalagay ang plato ng pancakes sa mesa.
"Opo."
"Good morning, love," said the ugly man in pink apron with a warm smile. Kinindatan pa siya nito.
Napataas ang isang kilay niya sa ginamit nitong endearment. But she knew better. "So? Ano pa'ng tinatayo-tayo mo diyan? Ipaghila mo ako ng upuan."
Awtomatikong napatigil sa kanya-kanyang ginagawa ang ina at kuya niya.
"Of course, baby," nakataas ang isang sulok ng bibig na wika ni Levi at ipinaghila siya ng upuan. Umupo na siya.
Pagkatapos maiusal ang grace before meal, nagsimula na silang kumain. Kukuha na sana ng kanin si Addie pero inunahan siya ni Levi. Ito ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya. Hinayaan lang niya itong pagsilbihan siya kasi alipin nila ito ngayon.
"Bakit 'yan lang? Damihan mo," masungit na utos niya. "Ayusin mo nga ang trabaho mo."
Natigilan na naman ang mama at Kuya Pete niya. Narinig pa niyang tumawa nang mahina ang kapatid niya.
"I'm sorry," masuyong hinging-paumanhin ni Levi at nilagyan ng maraming pagkain ang plato niya. "Okay na ba 'yan, baby?"
"Okay na," she waved her hand to dismiss him. Pero nanatili itong nakatayo sa gilid niya. Bahagya siyang napakunot-noo. Wala ba siyang planong sumabay sa amin?
Hinamig niya ang sarili. Teka, bakit ba niya ito iniisip? Wala siyang pakialam kung hindi sasabay si Levi na kumain.
Gaya ng dati, maganang kumain si Addie. Suwerte siya kasi wala siyang morning sickness na kadalasang nararanasan ng mga nagbubuntis. Makakain niya lahat ng gusto niya maliban sa mga pagkain at inumin na ipinagbawal ni Doc Lime.
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18