ANG BILIS ng tibok ng puso ni Addie. Grabe. Kabadong-kabado siya! Iba talaga kapag hindi niya scope ang gagawin. At hindi nakakatulong ang magaling na lalaki sa tabi niya.
"Stop staring at me, Levi," angil niya. "It's making me more nervous and uncomfortable. Naiilang ako."
Para namang nabatubalani si Levi at kumurap-kurap. "'Can't help it, babe." She gasped when his arm snaked around her small waist. Hinapit siya nito. Pure amazement and desire were dancing in his piercing liquid blue orbs. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at malalim na bumulong. "You're so fucking beautiful, Adelaide."
Her heart pounded even more. "I-I thought you're going to help me. You're not helping me at all. Mag-concentrate ka nga."
"Nagko-concentrate naman ako, ah. I'm concentrating on how beautiful you are in my eyes."
Nag-init ang mga pisngi niya.
She was wearing a red long backless dress and a six-inch high-heeled Saint Laurent shoes. Nakalugay din ang buhok niya at kinulot sa dulo. Her makeup was also matched with the first perfume Flirty. Red kasi ang kulay ng botelya at may apoy na apoy na design.
After that, magpapalit uli siya ng outfit para ma-match sa design ng pangalawang pabango and so on.
This would be a very long day.
Pinagmasdan niya si Levi. He was dashing in his Tom Ford Windsor base peak-label tuxedo, no tie. Napakaguwapo nito at katakam-takam. Hindi niya masisisi ang mga babaeng staff na matulala rito. He literally took the women's breath away, including her.
"You look handsome, too," aniya.
He groaned and buried his face on her neck. "Damn it. I want to take you right now."
Napasinghap siya. Hinampas niya ito nang mahina. "Dios mio, Levi. Baka may makarinig sa 'yo. Umayos ka. Huwag mong dalhin iyang kamanyakan mo sa set. Kung ayaw mong umatras ako," banta niya.
Tumawa ito. "You're not gonna do that," he said coolly.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "At paano ka nakakasiguro?"
"You don't back down from a challenge."
Tama ito. Wala siyang planong umatras. Kinakabahan siya, oo, pero natsa-challenge din. Ang pinakamataas na bundok nga sa Pilipinas, walang pagdadalawang-isip niyang inakyat, iyon pa kaya?
The same reason kung bakit magkasama sila ngayon.
Yes, Levi. I don't back down.
Natigilan si Addie nang mahagip ang isang pamilyar na lalaki. Nang matitigan itong mabuti ay napasinghap siya. Nakatayo si Gray sa pinakadulong bahagi ng set. Nakatingin ito sa kanila.
What was he doing here? Did Levi know that Gray was here?
Nang magtama ang paningin nila ni Gray, nginitian siya nito nang makahulugan sabay kindat at thumbs up. She gasped secretly. Don't tell me...
"Hey, who are you looking at?" untag ni Levi, tumingin din ito sa tinitingnan niya. "Oh, si Gray pala."
Nilingon niya ito. "Alam mong nandito siya?"
"Kanina pa. Ewan ko nga diyan. Hindi naman dati nanonood ng photoshoot ko. Wala na naman sigurong magawa," natatawang sagot nito.
OMG! Na-gets na niya. Si Gray ang may kagagawan kung bakit hindi nakapunta ang naka-assign na image models. At hindi na siya magtataka kung pati si Miss Yvonne ay kinasabwat din nito.
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18