CHAPTER 2

9.2K 264 23
                                    

"OH-EM-GEE!"

Hindi pinansin ni Addie ang parang nasunugang tili ni Dimitri o Demi pagkapasok sa condo niya. Panay lang ang pahid ng luha at singa niya. Hindi na nga niya mabilang kung ilang box na ng Kleenex ang nagamit niya. Wala rin siyang pakialam kung nadatnan siya ni Demi sa ganoong ayos. In-order niya lahat ng pagkain sa menu ng Jollibee pero hindi naman niya nagalaw. Wala siyang gana. She felt like hell! She was breaking like hell! She felt like dying!

"Jusko, bakla! What happened to you?!" Parang masisiraan ng bait si Demi. Nagmamadaling ibinaba nito sa sahig ang dalang attaché case at itinabi ang mga pagkaing nakakalat sa kama niya saka umupo sa harapan niya. "Girl..." may pag-aalala sa tinig nito.

Napahikbi siya. "Ayaw na niya sa akin, Demi. Ayaw na niya..."

"Sshh." Niyakap siya nito at inalo-alo ang likod. Matagal silang nagyakapan bago siya kumalas dito.

Mugtong-mugto ang mga mata niya. Ang akala niya, wala na siyang mailuluha. Pero meron, meron pa!

"Tell me what happened. 'Buti na lang pala, pinuntahan kita rito. Nagtataka kasi ako kung bakit parang ang tahimik mo. Hindi mo rin sinasagot ang text at tawag ko. Hindi ka rin nag-o-online. Kabisado kita, girl. Alam ko kapag may nangyari sa 'yo. Gosh, you look like a mess! Samantalang ang saya-saya mo noong huling usap natin."

Humagulgol siya.

"Eotteoke!" Nasapo ni Demi ang noo at hindi malaman kung ano'ng gagawin kaya hinagod-hagod na lamang nito ang likod niya. "Sige lang, girl. Iiyak mo lang. I'll wait hanggang sa kaya mo nang magkuwento. I'm here to listen."

Humugot siya ng tissue pero ubos na pala. Pinagbuksan siya ni Demi ng bago.

"Neck tie ko 'yang hinihila mo, girl. Here," sabay lapag ng ply ng tissue sa palad niya.

"S-sorry." Tinulungan siya nitong punasan ang buong mukha niya at inipon ang sabog-sabog niyang buhok. She blew her nose. Kinondisyon muna ni Addie ang sarili bago nagsalita. Nakagat niya ang ibabang labi. "L-Levi broke up with me. He broke up with me last night."

Napanganga si Demi. "Ano? But why? I thought he's going to propose to you?"

"Iyon nga rin ang akala ko, eh," suminghot siya. "Kaya pala niya ako niyayang lumabas kagabi para sabihing nakikipag-break na siya." Napahigpit ang hawak niya sa tissue. Nagkadurog-durog iyon. "Ang sakit, bakla. Hindi ko matanggap na nakipaghiwalay siya sa akin. Ang sakit-sakit."

"OMG! I can't believe it. Hindi ito ang ine-expect kong mababalitaan. Na-shookt ang beauty ko!"

Sino ba'ng maniniwala? Seven years! They were together for seven long years. So people around them thought na sila na talaga ni Levi ang magkakatuluyan. Pero natapos ang lahat sa isang gabi lang. Tinapos ni Levi sa isang gabi lang.

"Bakit daw siya nakipag-break, Addie?" nakikisimpatyang tanong ni Demi.

Kinuwento niya ang nangyari.

"Y-you're breaking up with me?" Addie's voice was shaking. Marahas siyang tumayo. "Is this a joke, Levi? Kasi kung joke ito, hindi nakakatawa!"

"Do I look like I'm joking, Adelaide?" matigas at may diing balik ni Levi.

"But why?!" sigaw niya, on the verge of hysterical.

"Because I don't love you anymore!"

Napasinghap siya. Para iyong punyal na tumarak sa kanyang dibdib. She could not believe what she was hearing.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon