A/N: Another update. Enjoy reading! ^_^
-
"NASAAN na ba 'yang kaibigan mo? Ang tagal, ha."
Napapikit si Addie sa pagkairita. Kanina pa siya nakukulili sa kakareklamo ni Demi na para bang apat na dekada na silang naghihintay. They were at his Spanish-styled house in Laguna. Magmo-movie marathon sila. Hinihintay lang nilang dumating si Melody bago magsimula.
Hindi alam ni Levi na kasama niya si Demi. Baka bigla na lang itong mapauwi at iwan ang business transaction sa Taiwan mailayo lang siya kay Demi. Ang paalam niya kay Levi, sa condo lang siya magpapalipas ng day off. Na-miss na kasi niyang mag-movie marathon kasama ang mga kaibigan. Pare-pareho silang busy ng mga nakaraang buwan.
"Parating na nga. Ano ba? Tatlong beses mo nang tinanong sa akin 'yan, ah," naiinis na saad ni Addie.
"Gustong-gusto ko nang manood, eh!" pagmamaktol nito.
"Puwede ba, girl? Tumigil ka sa kakareklamo diyan. Sumasakit na ang eardrums ko sa 'yo. Kaka-text lang niya."
"Yeah, and that was like thirty minutes ago," mataray na pakli ni Demi.
Binatukan niya ito.
"Ouch! What'd you do that for?" Nakasimangot na hinimas-himas ni Demi ang nasaktang ulo.
"Ang arte mo kasing bakla ka. Ba't ka ba hot na hot kay Melody? Alam kong hindi kayo magkasundo pero iba ngayon, eh. Dahil ba sa pingot niya na halos matanggalan ka ng tainga?" Natawa siya. Tinotoo kasi ni Melody ang pagpingot kay Demi dahil nga kinunsinti siya ng huli sa plano niya kay Levi. Demi literally screamed like a banshee. Muntik nang mag-out nang wala sa oras. Kung bakit kasi hindi pa aminin ni Demi kay Melody ang tunay na gender orientation para hindi na nagpapanggap. Sila-sila lang namang tatlo.
Nag-iwas ng tingin si Demi. Sa halip ay uminom ng wine.
"Hey, guys! I'm here na!" Sabay silang napatingin kay Melody na hinihingal na sumulpot sa living room. "Sorry for waiting."
"At last nandito ka na. Kanina ka pa nami-miss ni Dimitri, eh," nakangising sabi niya.
Tiningnan siya nang masama ni Demi. "Shut up." Boses lalaki na uli ito.
Lumapit si Melody at ibinaba ang duffel bag sa sahig saka umupo sa tabi ni Demi. Napagitnaan nila ang bakla. Piningot na naman ni Melody si Demi.
"Aray! Bakit ka ba namimingot?" naiinis na daing ni Demi.
Tumawa si Melody. "Ay, iba ang reaction mo ngayon. Akala ko titili ka na naman, eh. Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong bakla ka no'ng time na 'yon."
"Tsk." Lukot ang mukhang tinungga ni Demi ang wine.
Napabungisngis si Addie. "Anyways, bakit ka nga naman late ng dating, Melody? Maaga ka namang natapos sa photoshoot mo at malapit lang kayo rito sa Laguna."
"May hinahanap ako," anito habang kinakalikot ang cell phone.
"Hinahanap?"
"Oo. Hinahanap ko 'yong naka-devirginize sa akin."
Biglang naibuga ni Demi ang iniinom na wine. Awtomatikong napaatras silang dalawa ni Melody. Sunod-sunod itong umubo.
"Uy, ayos ka lang?" Mabilis na inabutan ni Addie si Demi ng tissue. Hinagod-hagod niya ang likod nito. "Dios mio, Dims. Muntik mo nang maibuga sa amin 'yang iniinom mo."
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18