♦Chapter 2♦: Ang multo sa c.r

10.1K 345 72
                                    

Nakatitig lang siya sa mga mata ko.

Kanina pa ko naghihinala, siguro mabaho hininga niya kaya ayaw niyang magsalita.

Mga tatlong minuto na nagtititigan parin kami. Di ko nga alam kung naglalaro ba kami ng walang kukurap eh ni isa samin walang gumagalaw, pero… bigla na lang lumalapit yung mukha niya sa mukha ko!

A-Anong binabalak niya?!

Para akong napako sa kinatatayuan ko kaya wala akong nagawa kundi pumikit na lang.

*SPLASH*

“TAKBO!!!!!!!” yun ang tangi kong narinig bago ko namalayan na may humihila sakin.

Pagkadilat ko… si Baekhyun lang pala. Napatingin ako sa pwesto ko kanina, nakita ko kung gaano kabasa si Sehun dahil sa ginawa ni Baek at… at!!!

At ang sama lang ng tingin niya samin!

“You’re dead!!!” nagulantang naman kaming lahat dahil sa pagsigaw niya! Infernes nagsalita na siya, achievement ito!

P-Pero…

“Patay!!! Bilian mo!!” sigaw ko kay Baekhyun na hawak hawak parin ang kamay ko.

“Eh ano bang ginagawa ko?!”

“Eh, bakit mo kasi siya binasa?! Eh di sana hindi tayo tumatakbo para sa buhay natin ngayon!”

“Yun lang alam kong paraan para makuha ko atensyon niya at pakawalan na niya ang kamay mo!”

Kaya kami pasigaw nag-uusap dahil may humahabol saming mga Leon pero mas lalong lumakas iyon dahil malapit na pala sila samin!

“Baekhyun!! Nasa likod na natin sila!”

“Ano?! Teka ang aking eyeliner ay nawawala na!” yun talaga inaalala niya?!

Tumigil siya sa pagtakbo saka naglabas ng make up kit. Anak ng tupa at ngayon talaga siya nag ganito kung kelan nasa bingit na kami ng kamatayan!

“Baek dali!! Maabutan na nila tayo!” pagyugyog ko sa kanya.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon