♦Chapter 13♦: My sweet revenge

7.2K 232 97
                                    

Kai’s POV

Nagbago yung itsura niya, halatang binagsakan siya ng langit at lupa sa sinabi ko. Ang sarap pala nitong pagtripan!

Konti na lang talaga matatawa na ko. Pfft! Papaiyak na siya!

“*Sniff* B-Ba’t ka nakangisi diyan!” may nakita akong isang patak ng luha na tumulo sa mata niya.

“Hahaha!! Mukha kang namatayan! Pfft! Punasan mo nga yan mamaya ako pa masisi ni Boss kung ba’t ka umiiyak.” Binato ko sa kanya yung panyo.

“Eh ikaw naman talaga may kasalanan eh! Isusumbong kita kay Sehun! Se-“ tinakpan ko kaagad bibig niya, putek!

“O-Oi! Nagbibiro lang naman ako! Walang first love si boss.” Tumingin siya sakin na para bang gulat na gulat.

“W-Wala? As in wala? As in joke mo lang yun?” tumango-tango ako.

“Phew-“

“First love wala pero yung tungkol kay Luna totoo.” And once again nakakunot nanaman noo niya.

“Anong meron sa kanya? Sabi mo walang first love si Sehun pero mukhang may past siya? Ano ba talaga?”

“Teka isa-isa lang alam kong gwapo ako.” Nung konek? Wala, masingit lang… totoo naman kasi.

“Bakit hindi mo tanungin mismo kay Boss? Alam ko namang sasagutin ka niya.” Iiwanan ko na sana siya ng hawakan niya yung kanang braso ko.

“Teka muna! Ba’t mo na lang nasabi na naalala mo ko sa kanya?” hay, mukhang hindi ko matatakasan ang tanong na to.

“Wala lang… sa tuwing lalapit kasi kami sa kanya o kahit simpleng hawak lang nagagalit si Sehun katulad ngayon.” Napatingin ako sa mga mata niya. “Tsaka sigurado ka bang hindi mo siya kilala?”

“Sino? Si Luna? Hindi ko siya kilala.” Umiling-iling ako.

“Na ah… kilalang-kilala mo siya…”

“Eh? Anong ibig mong sabihin?”

“Heh, it’s for you to find out.” Nakangisi kong sinabi sa kanya at umalis na.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon