♦Chapter 17♦: So... Tayo na?

7.1K 269 118
                                    

Luhan’s POV

“Umay na umay na ko kakadada dito tungkol samin ni Chanyeol pero hindi ka naman nakikinig. Sayang yung laway ko teh.” Nagulat na lang ako ng biglang nilapit ni Baekhyun yung mukha niya sakin. Nagsasalita pala siya!

“S-Sorry may iniisip lang.” naalala ko kasi kagabi, akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko hanggang sa panaginip lang ako mamahalin ni Sehun… pero hindi. Pagkagising ko kaninang umaga yakap-yakap ako ni Sehun at yun padin ang damit ko.

May nangyare ngang kababalaghan, nung dumilat siya bigla ba naman siyang nag eye-smile at sinabihan ako ng ‘Goodmorning’ with matching kiss pa sa nose! Dahil dun natulak ko siya sa higaan niya. Tama, higaan niya dahil wala ako sa kama ko kundi nasa kama niya.

“Hindi mo man lang ba ako kwekwentuhan sa lovelife mo friend?” umayos ulit siya ng pwesto at nilagay niya yung dalawang kamay niya sa mukha niya tsaka pinatong sa lamesa at handa ng makinig sa ikwekwento ko. “Wala ako nun. Single ako for life.”

“Single daw for life pero nakipagdate at take note may kasabay pang lalaking bitbit ang bag niya at hawak-hawak lang naman ang kamay niya kaninang umaga.”  Kailangan pa bang itanong kung sino ang lalaking yun? Malamang si Sehun.

“Gusto daw kasi niyang maexperience na magkahawak kami ng kamay habang naglalakad papuntang classroom habang bitbit niya ang bag ko kasi cool daw tignan.” Pag-eexplain ko sa kanya na kunyari ayaw ko yung nangyari kanina.

“Asus, kilig ka naman. Aminin mo na, halata ka na eh.”

“Hindi ako kinilig.” Pagdedeny ko pa.

“Pero mahal mo si Sehun?” hindi na ko sumagot diyan dahil may bumabagabag sa isipan ko.

“Silence means yes.” Sumeryoso yung mukha niya at alam ko na alam niya kung bakit hindi ako makasagot.

“Natatakot ako… natatakot ako sa balak gawin ni Suho…” may deal kami… kapag sinabi niya yun kay Sehun…

Akong bahala, sundin mo lang kung anong gusto mo. Suportado kita.” Parang may kabuluhan sa sinabi niya, pero alam ko namang maasahan ko siya pagdating ng panahon.

“Speaking of your prince charming is here-“ hindi na niya natuloy yung sinasabi niya dahil sinunggaban na agad siya ni Chanyeol ng isang halik. Okay, aalis na ko dito SPG masyado.

“Namiss mo ba ko~!” biglang may humatak sakin at napaupo ako sa hita niya.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon