Luhan’s POV
Pagkadating ko kahapon sa kwarto namin aba nadatnan kong nakahilata si Sehun sa kama ko! Tinadjakan ko nga, ayun laglag. May kama naman siya hihiga pa siya sa kama ko. Ano siya sinuswerte.
“Psst! Luhan, ano ng plano?” ay oo nga pala ngayon siya aamin kay Baekhyun at syempre dahil ako ang pasimuno ako rin ang gagawa ng paraan.
“Basta sundin mo lang yung mga sinabi ko at magpakatotoo ka.” Tinapik ko siya sa balikat at sinabing kaya mo yan.
“Ready ka na ba? Susunduin ko na si Baek.” Tumango-tango siya bilang sagot.
Okay! This is it guys! Wish him luck. Nako sana wag ng magpabebe tong si Baekhyun at sagutin na niya siya. Sakto namang nakita ko siyang lumabas ng Student Council room na malungkot.
“Baekhyun!” tawag ko at mukhang nagulat ata siya sa boses ko. “L-Luhan?”
“Mabuti naman nakita kita, kailangan ko kasi ng tulong pwede ba? Ako kasi inassign ni mam mag-ayos ng mga libro sa library, eh bang dami nun pwede mo ba kong tulungan?” havey kaya yung palusot ko?
Yan kasi binigay saking sagot ng GoogleMoGago.com. Hoy! Hindi ako nagmumura ha, sa tana ng buhay ko hindi pa ko nagmura totoong site yan!
“Ah, sige tara?” ngumiti siya sakin pero alam kong pilit lang yun. May nangyare kaya? Hays, for sure pag-alis nila ng library babalik rin ang totoong ngiti niyan.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi magtanong tungkol sa nalaman ko kahapon. “Totoo bang… may gusto ka kay Sehun?” agad siyang napatingin sakin.
“P-Papano mo nalaman yung tungkol diyan?” hindi ko alam kung bakit ako nang-gigigil at halos mapunit na yung uniform ko sa higpit ng hawak ko.
“So totoo nga?” umiwas siya sakin ng tingin, bakit hindi niya sakin sinabi to?! “M-Matagal na yun, nung mga gradeschool pa kami…”
“Ah…” halatang naging cold ako dahil sa naging boses ng pananalita ko sa kanya kaya agad ulit siyang tumingin sakin. “Alam mo namang si Chanyeol na ang mahal ko, diba?”
“K-Kaso nga lang… natatakot ako. Natatakot ako na baka mareject nanaman ako katulad ng ginawa sakin ni Sehun dati. Gusto kong umamin na sa kanya, kaso hindi ko magawa…”
Nawala bigla yung galit ko at nginitian ko siya. “That’s why I’m helping you.” Binigyan niya ko ng nagtatakang mukha, soon you’ll know.
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanfictionLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...