Baekhyun’s POV
Padabog akong pumunta sa student council room at binuksan ng napakalas yung pinto, nakita ko si Suho na nakaupo sa upuan niya. Ang lawak talaga ng ngiti niya dahil alam niyang nagtagumpay ang matagal na niyang plano.
“Ano? Masaya ka na ba?!” naiinis ako! Naiinis ako dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng to! Kung hindi ko sana pinakilala si Luhan kay Suho eh di sana hindi siya nasasaktan ngayon.
“Masaya ka na ba?! Ha, Kuya?!” ngumiti ulit siya.
“Masaya na ko.” Konti na lang talaga masasapol ko na to eh. Pasalamat siya kapatid ko siya. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid nako matagal ko na siyang minassacre.
Lagi siyang ganito, lagi na lang niya sinasaktan ang mga taong mahal ko. Ang mga taong mahalaga sakin.
“Bakit? Ano bang ginawa ni Luhan sayo? Ano bang ginawa ni Sehun sayo? Diba ako ang nasaktan? Hindi naman ikaw eh.”
“Dahil kapatid kita. Bilang isang kuya tungkulin kong protektahan at gantihan kung sino man ang nananakit sayo.” Hindi ko alam kung matotouch o maiinis ako sa sinabi niya. Siguro both?
“Pero matagal na yun. Tsaka kuya hindi na ko bata, kaya ko na ang sarili ko. Kaya please lang…” tumayo siya sa kinauupuan niya at hinimas ang kabila kong pisngi.
“Wag kang mag-alala total naman nakaganti na ko sa ginawa niya sayo, titigil na ko.” Hinalikan niya ko sa noo eh saktong dumaan si Chanyeol ayun nakita niya kami at sinuntok niya ng malakas si kuya.
Hinila agad ako ni Yeol sa kanya. “Tang ina mo! Maghanap ka ng syota mo! Wag mong kunin ang akin dahil wala akong balak ibigay siya sayo!” Nanlilisik ang mga mata niya kaya natawa ako.
Hinawakan ko ang baba niya at nilapit sakin para maabot ko ang mga labi niya. Pagkatapos ko siyang halikan ngumiti ako. “Tara?” ginantihan niya ko ng isang ngiti din at tumango.
Tinignan ko lang siya na napaupo dahil nga sa suntok sa kanya ng boyfriend ko at tuluyan ng umalis.
Hindi na ko nagsorry kay kuya dahil dapat naman talaga sa kanya yun. Alam ko ngang kulang pa yun pero sa ngayon yung suntok muna ni Yeol ang kabayaran sa mga pinag-gagagawa niya.
“Ano na nga pala balita kay Luhan? Diba nakita niyo na siya kahapon? Anong reaksyon ni Sehun? Nagkita na ba sila?” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nakaakbay siya sakin. Nakita kong unti-unting nagbabago ang ekspresyon niya.
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanficLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...