♦Chapter 31♦: Goodbye

4.6K 238 71
                                    

Luhan’s POV

Ang lamig… Nakalutang ba ko? Feeling ko kasi oo… ang gaan sa pakiramdam. Para kasing.. wala na kong sakit.

May naaninag akong nakakasilaw na liwanag nanggagaling ata yun sa araw. Pagkadilat ko hindi pala ako nakalutang… nakatayo ako sa isang magandang lugar na hindi ko pa ata nakikita sa buong buhay ko.

Nagsimula akong maglakadlakad para malibot ko narin yung lugar kung nasaan ako. May isa lang akong napansin… wala pa kong nakikita na tao dito.

Nung hawakan ko yung isang bulaklak dun ko lang napagtanto na hindi na pala ako nakahospital gown.. nakasuot na ko ng isang maputing-maputing damit.

“Andito ka lang pala…” napalingon ako sa nagsalita pero paglingon ko wala naman akong nakita.

Yumuko ako at may nakita akong isang bata. “O? Bakit ka andito?” Siya yung batang nakita ko sa sm na pinayuhan pa ko.

Hindi niya ko sinagot instead nginitian niya lang ako kasabay ng paghila niya sakin. “Tara, laro tayo!”

Tinanong ko siya kung anong gusto niyang laro sabi niya tagu-taguan daw at siya ang taya. Kaya ako eto, naghahanap ng matataguan.

Hindi ko nga inaasahan na makikita ko dito ang punong pinagtaguan ko nung dating umulan sa school… yung araw na unang nakita kong nag-alala talaga siya sakin… yung lugar na kung saan ko nakita si Aeionne…

That scene will just be part of my memory now…

Hay… kung pwede ko lang ibalik ang panahon-“Hule!! Nakita na kita!” sabi sakin nung bata.

Napatingin siya sa punong hinahawakan ko at ngumiti tsaka tumingin sakin. “Tara na… tinatawag na niya tayo.” Pagkasabi niya nun para bang nawala lahat ng mga bulaklak, mga puno at natira na lang ang ay isang puting kulay na bumabalot sa kapaligiran namin…

Isang maputing lugar na hindi ko alam kung saan ang hangganan.

Nalaman ko na lang na naglalakad na pala ako habang sinusundan yung batang nasa harapan ko.

Siguro mabuti na tong ganto… mamahalin ko parin naman siya sa lugar na tatahakin ko…

Habang palayo ako ng palayo, parang may isang bagay na tumutulak saking bumalik… na kapag pinagpatuloy ko pang maglakad ng mas malayo masasaktan ako. Diba dapat ang mga patay wala ng nararamdaman?

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon