Napanganga ata ako, pagtingin ko sa labas nakahugot sila ng engrandong audience ba naman kita ko ang pagflash ng camera mula sa labas!
Malay ko bang seseryosohin niya yung sinabi ko, sinabi ko lang naman yun para hindi na ko mahirapan itutor siya sa kwarto.
“Oh Sehun you’re late! So as your gang!” napalit ang tingin namin papunta kay sir, wow tapang niya ah.
“Tsk, buti pa nga pumasok eh. Sarap na sarap ako sa pinanonood ko ng pumasok tong si boss.” Napakamot si Kai sa ulo niya na kunyari hindi niya yun sinabi.
Eto namang bruhildo wala ng pasintabi at pumasok na ng tuluyan… teka bakit siya papunta sa direksyon ko?!
Napalunok yung katabi ko ng nasa harap na niya si Sehun, etong si mokong tinaas niya ang paa niya sa lamesa nung kaawa awang estudyante.
“Umalis ka diyan, simula ngayon dito na ko uupo.” Utos niya dun with his famous poker face, kaya tong si katabi ko ayun boom karakarakang tumayo.
Ganun din ang ginawa ng mga kasama niya kaya bale nakapalibot sila sakin… pero si Chanyeol tumabi kay Baek eh si Baek nasa harap ko lang. Sus, halata naman sa dalawang to na nag iibigan sila.
“Hoy tanda! Magsimula ka ng magturo, ano pang tinitingin tingin mo diyan?” maangas na tanong… sino to? Yung malaking eyebags?
Walang magawa si sir at nagturo na lang. Tumingin akong palihim dito sa bago kong katabi at kita mo nga naman oh nakataas pa ang paa.
“Ang sama mo…” bulong ko sa kanya.
“Anong ginawa ko sayo?” kumunot yung noo niya.
“May upuan pa naman sa likod dito ka pa umupo kung san may taong nakaupo.”
“Tsk, pati ba naman yung ganung bagay pinapahalagahan mo pa?” nainis ata siya sa sinabi ko kaya ayun tumungo.
“Ilabas mo na lang yung notebook mo at kumopya.”
“Wala akong dala…” napatingin ako sa kanya.
“Ano? Eh anong lama niyang bag mo?”
“Wala, hangin.” nagdala pa siya ng bag. “Eh bakit ba props ko lang naman to.”
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanficLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...