♦Chapter 7♦: Balungoy

8.3K 278 86
                                    

“Ang cute!!” humiga ako sa kama ni Sehun kahit bawal, eh kasi naman andito yung pusa! Hinawakan ko ulit siya at kinalong.

“Kaya pala puro siya galos kasi kinuha ka niya sa taas ng puno! Magthank you tayo sa kanya.” Hihi, ang cute talaga niya kada usap ko nag ‘m-meow’ siya.

Pagkalabas ni Sehun sa c.r halata sa mga mukha niya na nagulat siya pero bumalik agad yun sa poker face niyang mukha. “Oh? Anong ginagawa niyan dito?”

“Kunyari ka pa! Aminin mo na kasi!” nakalihis lang ang tingin niya sakin.

“B-Baka lumipad kaya andiyan…” hmp! Bahala siya alam ko namang siya ang kumuha sa kanya.

Pumunta na siya sa kusina habang ako nilalaro yung pusa, hihi parang siya ang anak namin tapos ako ang nanay tas si Sehun ang tatay-

ANO?! B-Bakit ko naisip yun?! Waahh!!

“Let’s call her Aeionne~!” sigaw ko agad sa kanya pagkatapos naming lumabas ng kwarto.

“Ang baduy mo talaga gumawa ng nickname.”

“Ayaw mo? Eh pinagsama-sama ko lang yung letters ng name mo sakin.” Dahil sa sinabi ko mukha siyang nasusuka pero nung pagkatalikod niya kita ko kung papano ngumiti mga labi niya.

“On second thought, hindi pala…”

“Ano yun? May sinasabi ka?” hindi ko masyadong narinig dahil busy ako sa pag-iisip ng pangalan.

Hindi niya pinansin ang tanong ko at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa nakapunta na kami ng classroom and as usual nilapitan agad ako ni Baek.

“Oh my gosh! Nakita mo na ba yung nangyare kay Sehun kahapon?!” bago ko pa sabihin na hindi, pinakita na niya yung cellphone niya na nagpapakita na nasa lapag si Sehun habang nasa tsan niya si Aeionne at kita yung mga nahulog na dahon mula sa puno.

“Bakit kaya niya yun kinuha? Eh sa pagkakatanda ko siya pa nga ang nagpaalis dun sa pusang yun?” napangiti naman ako sa tanong niya… dahil kaya sakin?

Nakangiti akong umupo sa pwesto ko at sakto namang pumasok na rin si sir.

Habang nagdidiscuss siya napansin niyang hindi sa kanya nakikinig si Kai at may kung anong kinakalikot sa cellphone.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon