♦Chapter 6♦: Black Kitty

7.9K 291 69
                                    

Luhan’s POV

Nawala yung pusang yakap yakap ko pumunta ata sa taas ng puno… waahh, kung kaya ko lang din sana umakyat eh di sana hindi ako natatakot.

Hindi talaga ako makalagaw, bwiset kasi tong ulan na to bakit ngayon ka pa nalaglag kung kelan p.e namin? Sa di kalayuan may nakikita akong hugis tao na papunta sa direksyon ko.

“S-Sehun??” nanghihina na yung boses ko… kinabahan nga ako kung sino, yun pala siya talaga.

“A-Anong ginagawa mo dito?”

Ang sama lang talaga ng tingin niya sakin yung tipong kakainin ako… ba’t kaya siya badtrip?

“Nagpapahangin ako, hindi ba halata?” ah… akala ko…

“Eh pwede ka namang pumunta sa kwarto bakit ka pa pumunta dito?”

“Tsk, gusto ko ng fresh air.” Sasagutin ko na sana siya ng makarinig nanaman kami ng kulog at sa isang iglap lang nakayakap na ko sa kanya.

Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya yung tipo bang masasakal na siya akala ko nga tatabuyin niya ko pero… mas lalo pa niyang dinikit ang sarili niya sakin.

“S-Se-“

“Shhh, wala ka ng maririnig… kaya wag ka ng matakot.” Pagkasabi niya nun tinakpan ng dalawa niyang kamay ang tenga ko habang nakayakap parin ako sa kanya.

Mga ilang minuto rin kami sa posisyon na yun kaso nung maramdaman kong sobrang lakas na ng tibok ng puso ko humiwalay na agad ako… a-ano yung naramdaman ko?

“Hindi pa ata titigil ang ulan kaya mas mabuti pang umalis na tayo.” Tinanggal niya ang blazer niya at pinatong sa ulo ko.

“T-Teka lang! I-Iuwi natin siya…” turo ko dun sa taas ng puno.

Napatingin naman siya at kumunot nanaman ang noo niya.

“Anong gagawin natin diyan sa pusang kalye na yan? Ang panget-panget.”

“To naman! Ang cute cute kaya niya! Tapos ang lakas pa ng ulan wala siyang matitirhan, kung ampunin kaya natin siya?!” masigla ako habang nagsasalita kaso to namang kausap ko parang nabagsakan ng langit at lupa habang nakatitig dun sa kuting.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon