♦Chapter 27♦: Kaya ko ba?

4.9K 227 49
                                    

Sehun’s POV

“Nak ng teteng naman o! Diba papunta tayo sa ospital kung nasan si Luhan?” tumango-tango naman silang apat, puta! “Eh anong ginagawa natin dito sa motel?!”

Hindi nila ko pinansin at sabay-sabay naghubad ng mga pantaas nila.

“Mga tsong naman hindi ko kayo pinagnanasaan, magagalit si Luhan kapag nalaman niya to!” tinalukuran ko nga sila, anong sa tingin nila papatulan ko sila?! Aba!

“Gagi! Nandito tayo para mahimasmasan yang ulo mo. Lasing ka kaya, hello! Tsaka mabantot ka na, gusto mo ba pag nagkita kayong dalawa amoy alak ka? Nakakaturn off kaya yun!” binigyan ako ni Chen na parang nandidireng mukha.

Ako mabantot? Inamoy-amoy ko sarili ko… … ..

“Tsk, itapon niyo na nga mga basura niyo! Nangangamoy!” dumiretso agad ako sa c.r pagkatapos kong sabihin yun.

Kinuha ko lahat ng cologne, shampoo at mga sabon. Kailangan mabango ako kapag nakita niya ko!

Sa pagkukuskos ko hindi ko namalayan na natanggal pala sakin yung kwintas na may nakakorteng puso sa leeg ko. Ito yung bigay sakin ni tita nung bata pa ko.

Pupulutin ko sana ng makita ko na pwede palang buksan yun.

Pagkatingin ko sa loob nakita ko ang isang picture ni Luhan na nakangiti habang nakahiga sa hospital bed. Halatang nahihirapan siya kaso pinilit parin niyang ngumiti.

Napahawak ako ng mahigpit sa kwintas.

Hindi ka pa pwedeng mawala.

Luhan’s POV

“Papa?” nakatingin lang ako sa kanya habang paunti-unti siyang lumalapit sakin.

Niyakap niya ko at otomatikong bumagsak ang mga luha ko ng maramdaman ko ang haplos niya. Matagal ko na tong hinahanap-hanap… ang yakap ng isang ama.

“Pa naman.. ba’t ngayon ka lang nagpakita?” eh kasi naman matagal na pala silang magkasama ni kuya sa ibang bansa di man lang nagsasabi, eto rin kasi tong si kuya eh!

“Gusto ko sana sorpresahin kayo… kaso hindi ko naman alam na ganito pala ang madadatnan ko.” Pinunasan niya yung mga luha ko bago niya punasan yung kanya. “Bakit ka nanaman inatake? Sino ang dahilan?” iniwas ko bigla ang tingin sa kanya, baka kasi kapag sinabi ko kung sino ang dahilan bigla niyang sugurin si Sehun, nananahimik na nga yung tao guguluhin ko pa ba? Nako siguro nagpapakasaya na yun…

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon