♦Chapter 23♦: Tell me he's lying

4.1K 204 40
                                    

Luhan's POV

Pumunta ako sa garden kasi sabi nina Kai sakin napa-away nanaman daw tong Sehunnie ko, syempre ako tong manly na boyfriend niya sugod naman agad. Pero alam niyo nadatnan ko?

Isang garden na sobrang ganda ng pagkakadesenyo, may mga ilaw na nakapalupot sa mga tanim na parang Christmas lights at halata talagang pinag-effortan... Lumakad pa ko ng bahagya at napagtanto ko na nandun pala si Sehun nakaupo sa isang bench.

Ha? Bakit para namang walang away na naganap dito? Sa totoo nga niyan walang bahid ng dugo yung mga kamay niya at hindi naman mukhang nasapak. Dun ko lang napansin yung kasuotan niya... napakasimple tapos may hawak-hawak siyang mga rosas at may katabing malaking Hello Kitty na halos sing tangkad na ata niya...

Aha! Kaya pala niya ko tinanong kanina... Asus, kinilig naman ako.

Ahem! Nagkunyari ako na nagtataka sa mga nakikita.

"O bakit andito ka sa labas? Baka mahamugan ka, ali ka na sa loob. Jusko naman tong Sehunnie ko gusto talagang magkasakit siya para lang alagaan ko siya." Pagbibiro ko pa.

Nung mas lalo akong lumapit sa kanya para na lang nag-iba yung atmosphere... Para bang biglang bumigat...

Medyo kinabahan na ko, hindi ko alam kung bakit. "S-Sehun-?" tanging pangalan lang niya ang natapos ko dahil inangat na niya yung ulo niya.

Yung mukha niya... parang kagagaling lang sa pag-iyak. B-Bakit?

"Luhan..." iba din yung boses niya... hindi ito yung boses na parati kong naririnig... yung maastigin, malalim at makisig.

Feeling ko manghihina narin ako sa boses niya ngayon... hindi ako sanay. "May nangyari ba?" tinanong ko siya na may halong pag-alala sa boses ko.

Eksaktong pagkaupo ko naman sa tabi niya., hinawakan niya agad ang dalawa kong kamay at nahulog sa lapag yung mga rosas na kanina niya hawak.

"Tell me Luhan please... sayo naman ako maniniwal eh. Sabihin mo sakin na hindi naman totoo ang mga sinabi niya sakin, diba?" nagulat na medyo naguguluhan ako sa sinabi niya... teka sinong niya ba ang- wait... Hindi maaring...

Hindi ko alam na mapupunta na agad sa ganitong sitwasyon, ni hindi pa nga kami nakakatagal ng dalawang lingo nalaman niya agad... Pero bakit... Ito nab a ang pahiwatig sakin ng Diyos sakin na... dapat ko ng itigil ang pagmamahal na hindi naman talaga dapat nabuo dahil pareho lang kaming masasaktan...

Tama nga yung bata... masasaktan at masasaktan rin kaming pareho kahit ano mang gawin ko...

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon