♦Chapter 24♦: The real reason?

4.1K 196 62
                                    

Sehun’s POV

*Tunog ng mga nagkakaingay na tao

Tang ina… Kitang nagsesenti ako dito, nagkakasiyahan pa sila… Eh kung pagbubugbugin ko kaya sila isa isa? Hah, ewan ko kung makangiti pa sila bukas.

Di na nahiya sakin, may disco ball pa…

Tang ina, dapat kasi hindi ko na lang nalaman… mas mabuti nang wala akong alam kesa sa ganito.

Ako, si Oh Sehun na pogi, macho, mayaman, kinakatakutan ng lahat at pinagkakandarapan ng mga babae ay isang masosista? Haha, sino nga bang mag-aakala?

Hay Luhan ang galing mo… Dahil sayo hindi ko aakalain na magiging isang tao akong hindi ko inaakala. Naguguluhan ka ba? …Wag kang mag-alala ako rin.

Si Luhan kasi eh… Lakas ng epekto sakin. Dapat pala nung una pa lang… nung mga panahong hindi ko pa siya kilala sana… sana natuto na kong magmahal para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Pero wala eh… siya ang nagturo sa akin kung papano…

Tama siya… actually dapat galit ako sa kanya, ginago niya ko eh. Pero bakit ganun? Hindi ko magawa… hindi ko magawa dahil kahit anong pilit kong gawin mas nananaig tong pagmamahal ko sa kanya… Korni ko ba? Gwapo naman. Hay buhay…

Ang buhay nga naman parang-

“Hi, are you alone?” Parang lamok! Pasulpot-sulpot na lang. Tinanggal niya yung buhok na nakaharang sa hinaharap niya kaya mas lalo ko pang nakita yung dibdib niya.

Hindi ko siya pinansin at nilagok ko yung beer na hawak ko tsaka nagorder ulit. Ah, nasa bar nga pala ako kaya maingay.

“You look stressed. I think you need some comfort. Do you want me to comfort you?” medyo hinihimas himas na niya yung kamay kong nakapatong sa table syempre agad ko naman yung inalis at tinignan siya ng masinsinan.

“Gusto mo ng sapak?” deretsahang tanong ko sa kanya at nakita ko kung papano nagbago ang ekspresyon niya. Halatang natakot kaya ayun umalis agad sa harap ko.

Nakita ko yung likod nung babae palayo sakin… naalala ko tuloy…

Flashback

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon