Lalong lumakas yung hiyawan nung mga tao nung sinagot ko siya. Bigla nga akong binuhat ni Sehun at pinaikot-ikot tsaka ako niyakap ng mahigpit. Walanjo nahilo ata ako dun.
“Salamat…” yun lang naintindihan ko sa mga sinabi niya dahil grabe siyang makaiyak ngayon.
Hahalikan ko sana noo niya ng bigla niya kong binuhat ng pabridal style at nagsalita sa microphone. “Simula sa araw na to ang lalaking ito ay akin na kaya kung sino man ang tumangkang agawin siya sakin. Ha, nakikita niyo yung kabaong dun?” tinuro niya yung mga dala-dala nina Kai.
“Diyan kayo pupulutin.” Tapos nagsimula na siyang maglakad. “S-Sehun, b-baba mo ko.” Nahihiyang bulong ko sa kanya kaya lang ang sinagot niya lang sakin at isang matamis na ngiti na may kasama pang paghalik sa noo.
“Wooh SPG!!”
“Hinay-hinay lang boss!”
“Humayo kayo at magpakarami!!”
Umaygad ano ba yang pinagsasabi nila? Para namang gagawin namin- O___O
“Sehun ibaba mo na ko!! Isa!” humahanap ako ng tsempo kung papano ako bababa kaso mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sakin.
“Dalawa~.” Pagpapatuloy niya sa bilang ko kaya nainis ako sa kanya.
“Sehun!” too late na… kasi nasa harapan na kami ng kwarto niya.
Sinarado niya yung pinto at dahan-dahan akong nilapag sa kama niya. “S-Sehun please…”
Kinuha niya yung kanan kong kamay at hinalikan iyon. “Shh, wag kang matakot hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pa.. isa lang ang gusto ko. Pwede bang… ikiss kita?”
Hindi na ko tumanggi at mahinang tinango yung ulo ko. Nakita ko nanaman ang ngiting tagumpay niya.
Pumikit siya kaya biglang bumilis nanaman yung tibok ng puso ko. Ang gwapo talaga niya… pumikit na rin ako.
This is the moment! Ito na! Magkikiss na kami!
Ngumuso na ko ng bonggang bongga para maramdaman ko kaagad yung labi niya sa labi ko kaso natigilan yun ng may narinig kaming malakas na kalampag ng kung ano man sa may bandang pintuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/18439748-288-k457365.jpg)
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanfictionLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...