Luhan’s POV
Bumalik na kami sa school, pagkatapos mag-usap nina mama para na lang naging matamlay si Sehun. Ano kayang pinag-usapan nila?
Pagkapasok namin ng gate nagkumpulan lahat ng tao, mukhang may pinagkakaguluhan sila sa harapan.
“Oh? Anong ginagawa ni tito sa stage?” natanong ko bigla.
Nandun din yung principal. “Students, meet the CEO of this school. Mr. Oh.” ANO?! Pareho kaming nagkatinginan ni Sehun, halata rin sa mukha niya nagulat rin siya. Ibig sabihin hindi niya rin alam?!
Biglang tumayo si Tito at lumapit malapit dun sa microphone kung san nagsalita yung principal. Nagsimula namang magbulungan yung mga estudyante malapit sa harapan.
“What?! Diba yan yung guard?!”
“Shete! Siya yung natapunan ko ng sopas nung nakaraang linggo!”
“Teka! Mr. ‘Oh’? Ibig sabihin…” lahat sila napatingin sa direksyon namin.. ay mali kay Sehun lang pala.
“Tama kayong lahat, anak ko si Sehun.” Ngumiti siya at tumingin sakin. “At yung katabi naman niya… siguro naman alam niyo na kung sino siya. Hi there future son-in-law.” O__O
“KYAAAHH!! HUNHAN FOREVER!!!” biglang tilaan nung mga babae sa bandang likod namin at ayun nanaman yung banner nila.
Pakiusap pakihukay na po ang libingan ko.
“KISS!! KISS!! KISS!!” request nung isang babae malapit dun sa grupong nagtitilian.
“Pano ba yan Hannie kiss daw!” wag mong sabihin na susundin niya sila?!
Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. “Aw.. Sorry guys. Sa cheeks lang daw pwede.” Ano! Wala akong-
“KYAAAAHHH!!!” =_=… kiniss niya ko sa magkabilang pisngi, ayan… nagtampururot nanaman yung mga babae.
Bago pa kami pagkaguluhan dun hinila agad ako ni Sehun palayo sa kanila at pumunta agad ng classroom.
“Grabe! Napakabigatin mo na! Biruin mo boyfriend mo ang badass dito sa school at eto pa tatay pa niya ang CEO ng school your future DADDY!” bungad agad sakin ni Baekhyun pagkapasok na pagkapasok naming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanficLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...