♦Chapter 22♦: Text messages

4.5K 195 34
                                    

“Tang ina ano?! Wui! Tama ba yung narinig ko?” nagulat ako ng marinig ko yung boses ni Sehun sa kabilang linya.

“Teka?! Akala ko binaba mo na…”

“Hindi no, feeling ko kasi may sasabihin ka pa. At tama naman ako.” Narinig ko siyang ngumisi… bwisit! “Pakiulit!”

“Ayoko! Hindi na pwede. Once is enough.”

“Eh!! Dali na, please? Kahit isang beses lang? Sige na…”

“No means no! Mamaya eh may recorder na diyan at handa mo ng irecord boses ko, ayaw ko nga.”

“Luh! Papano mo nalaman yun? Talino talaga ng boyfriend ko aba.”

Nanaig nanaman ang katahimikan… magsasalita pa lang sana ako kaso naunahan na niya ko.

“Sige na, di na kita pipilitin. Kasi next time na sasabihin mo sakin yun sa kama na! HAHAHAHA!!” O__O!

“Loko ka! I-eend ko na to!”

“Teka wait! I love-“

END CALL…

Hay… Wala talagang magawang matino yung isang yun… ay meron pala…

Ang mahalin ako… Ajujuju! Ano ba tong pinag-iisip ko! Nahahawa na ko sa kanya, hindi pwede to! Focus Luhan FOCUS!

Exam na next week kaya mag focus ka!

5 minutes na ang lumipas pero nakatitig parin ako sa libro na habang nagbabasa ako wala namang pumapasok sa kokote ko alam niyo yun? Kasi naman eh! Panay ang tingin ko sa wallpaper ko… wallpaper ko kasi siya.

I-ooff ko na lang to!

***

Ayan! Tapos na ko! Diba success? May 20 minutes pa ko total absent naman daw yung susunod na subject, mabuti ng matitigan ko ulit pagmumukha ng mokong yun.

Eksaktong pagopen ko nung bago kong cellphone aba sunod-sunod na text messages ang nakita ko.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon