Luhan’s POV
Nagmamadali akong isuot yung uniform ko sa bago kong school, wala naman kasing nag inform sakin na 6:00 na pala eh ang pasok ko 6:20. Yan tuloy nagkukumahol ako ngayon.
Ako na lang kasi inaasahan nila dito, kasi si kuya nasa ibang bansa at wala na si papa. Yung pera naman na pinapadala ni kuya kulang pa rin dahil maraming gastusin sa bahay.
“Ingat ka sa skul mo, siguraduhin mong maayos ang pakikitungo nila sayo tsaka kumain ka ha.“ kinapa kapa ni mama yung mukha ko bago niya himasin ang buhok ko.
Pagkatapos nun hinanap naman niya yung kamay ko para ilagay yung perang hawak niya.
“Ma, okay na yung singkwenta na binigay mo sakin. Para sayo na yan, miryenda mo na lang po yan ngayon.” Hindi ko tinanggap yun bagkus hinalikan lamang siya sa noo at umalis na.
Bulag siya… sa tuwing makikita ko siya hindi ko mapigilang hindi maawa sa kanya. Dahil hindi na niya makikita kung gaano kakulay ang mundo.
Gusto ko sanang ipakita kung gaano kaganda yung fireworks tuwing new year, ipakita ang mga palamuti na nilalagay ng mga kapit bahay naming tuwing pasko. Pero kelan man hindi ko na mapapakita yun.
Hay tama na ang kadramahan dahil nareach ko na ang aking destination.
Nakakahiya naman sa mga kaschoolmate ko, lahat sila pumasok ng may sasakyan ako lang bukod tanging nakatricycle kaya yung iba tumitingin sakin.
“Goodmorning po.” Bati ko dun sa guard.
“Good-“ napatigil siya ng makita ang mukha ko, nastarstruck lang?
Pinakita ko na lang yung I.D ko at dumiretso sa loob. That was… weird?
Nawala yung iniisip ko dun sa gwardya ng makapasok na ko sa pinaka looban.
Wow.. ang laki lang talaga ng bago kong school. Tenkyu DepEd, sa scholarship na binigay niyo sakin.
Napatingin ako sa mga dumadaan…
Nakakahiya talaga… lahat sila naka Samsung, Iphone, Blueberry, cherry mobile eh ako eto Nokia 32.10 nanghihingalo na nga siya eh.
Habang manghang mangha kong tinititigan ang surroundings sa paligid dahil bang sosyal kasi, kaso may nakapukaw ng pansin ko. May nakikita akong lumilipad na tao papunta sa direksyon ko, buti na lang nakailag agad ako.
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanficLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...