Luhan’s POV
Pagkagising ko ramdam ko parin ang makikisig na braso ni Sehun na nakapalupot sa maliit kong bewang.
Sininghot ko muna yung t-shirt niya para makasigurado, baka kasi si papa na to. Malay ko bang pagtulog ko bigla na lang niyang minassacre si Sehun ko tapos humiga sa tabi ko tapos- “Bakit mo ko inaamoy babe?” Babe?!
Pagtingala ko siya pala, phew kinabahan ako dun ah. “Good morning beautiful.” Tapos kiniss niya ko sa noo.
“Ang bantot naman ng babe, pang kanto.” Sabi ko pagkatapos niyang gawin yun.
“Eh anong gusto mong endearment natin? Sina Chanyeol meron na sina Kai meron na rin, tayo na lang ang wala.”
“Bakit kailangan ba?”
Napatahimik siya at nag-isip. “Ewan, siguro?”
Umiling ako. “Hindi ba mas magandang pakinggan kapag tinatawag ka ng mahal mo sa sarili mong pangalan?” Mas kinikilig kasi ako kapag ganun.
Ngumiti siya at muli akong hinalikan sa noo. “Luhan…” bumababa ang halik niya sa dulo ng ilong ko hanggang sa labi ko. “I love you.”
“Wooh!
“Kuya naman!” nagulat si Sehun sa sinabi ko at tumayo pero napatigil siya sa paglalakad ng pumasok yung tatay ko.
Halatang kinabahan siya, sa itsura pa lang ni papa aba akala mo kakatay ng biik. “G-Good morning po, ako nga po pala yung boyfriend ng anak niyo.” Tapos yumuko siya.
Napataas tuloy ng kilay si tay. “So ikaw ang dahilan kung bakit andito ang anak ko?” lalo siyang napayuko.
“O-Opo.”
Magsasalita pa lang si papa ng mabigla kaming tatlo dahil sa pagluhod ni Sehun sa harapan niya.
“Pero kahit ganun pa man, pramis po walang araw na hindi siya nakangiti kapag kasama ako, pramis po siya lang po ang mamahalin ko, pramis po aalagaan ko po siya at wag po kayong mag-alala dahil hinding hindi ko siya pahihirapan sa buhay niya na.. andito lang po ako sa tabi niya. Kaya po humihingi po ako ng basbas niyo sa darating na kasal namin.” O__O
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya…
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
Fiksi PenggemarLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...