♦Chapter 20♦: Bakit?

4.8K 206 64
                                    

 A/N: Luhan's mother on the side~

Nasa harapan namin sina mama samantalang katabi ko naman si Sehun.

Wala parin nagsasalita. "Ahm.. Kuya Guard bakit po kayo nandito?" ako ang nagbasag ng katahimikan saming apat.

Imbis na siya ang sumagot si Mama ang nagsalita para sa kanya. "Anak, siya si Mr. Oh." Ha?! Napatingin ako kay Sehun na kasalukuyang nakapoker face parin ang mukha.

"Kayo po ang ama ni Sehun?" tumango-tango siya.

"Natandaan mo pa ba yung kinuwento ko sayo? Nung hinahanap mo si Balungoy? Siya yung tinutukoy ko." Ah.. pero

"Anong koneksyon niyo po kay mama?" don't tell me kaya siya nandito dahil sasabihin niyang magkapatid kami ni Sehun? Aba, kaming dalawa lang ni kuya ang anak ni mama!

"Don't worry Luhan, dalawa lang din ang anak namin ng asawa ko." Hala! Nabasa niya iniisip ko. Si mama nanaman ang sumagot sa katanungan ko. "Lu, tanda mo pa ba yung mag-ama sa likod natin dun sa sasakyan bago nangyare ang aksidente? Sila yun." Nagulat ako sa narinig ko.

So meaning, matagal na pala kaming nagkita ni Sehun! Tumingin ulit ako sa kanya pero ganun pa din ekspresyon niya, ni wala man lang pagkabigla sa itsura niya.

"Kaya nga nagulat ako nung nakita kita first day of school, natandaan ko kaagad na ikaw ang anak ni Luna. Kung buhay ka inisip ko na buhay rin siya. Tama naman ako, buti na lang nahanap ko kung nasaan kayo nakatira." Uminom ako ng chocolate milk na gawa ni mama habang nakikinig sa kanya niyaya ko si Sehun buti naman at uminom.

Teka kung si Sehun nga ang tinutukoy ni Kuya guard na anak niya, ibig sabihin may galit si Sehun sa kanya?

"Sa tingin ko kailangan nila ng privacy, tara na anak." Sabi sakin ni Mama. Itong si mama kahit bulag alam niya ang dapat gawin.

Hinawakan ko siya sa kamay para alalayan siya at umalis na kami dun sa kusina. Pinaupo ko si mama sa sofa at agad na bumalik pero sa gilid lang ng pintuan yung hindi nila ako makikita.

Baka kasi kung anong mangyare, mamaya magworld war 3 dito aba gamitin pa nila mga palakol at sandok namin dito sa kusina. Hindi pwede yan kitang mahirap na nga kami sisirain pa nila mga cheap naming gamit.

"Ang laki mo na... sayang di ko nasaksihan ang paglaki mo." Si Tito ang unang nagsalita, way to go tito push mo yan!

"Bakit hindi ka samin nagpakita kung buhay ka naman pala. Hindi mo ba alam kung gaano kaalala si mama sayo." Naging malungkot yung ekspresyon niya dahil sa sinabi ni Sehun.

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon