♦Chapter 16♦: May araw ka rin sakin

7.3K 256 72
                                    

Nagising na lang ako na iba na yung damit ko yung pang-garbong damit, omaygad hindi kaya-!

Ah… Pinatungan lang pala nila, kinabahan ako dun ha! Pero stuck parin ako dito ni hindi naman ako makahingi ng saklolo sa labas dahil tinted yung salamin. Ilang sandali lang tumigil na yung sasakyan at mukhang nagpark ata.

May bumukas naman nung pintong nasa kaliwang side ko. “Labas!” sabi sakin nung matangkad na nakatakip ang mukha.

“Mga kuya! Wala akong pera! Yung cellphone ko Nokia 3210 lang! Mahirap lang kami, kaya please pakawalan niyo na ko.” Pagmamakaawa ko sa kanila habang nilabas ako sa magarang kotse.

“Pakawalan ka namin eh hindi ka naman nakatali!” ha? Tinignan ko yung kamay ko. Oo nga no! Pero bakit?

“Basta dire-diretso ka lang! At pumasok ka dun!” sabi niya sakin sabay turo dun sa magarbong restaurant na mukhang mayayaman lang ang nakakatapak dun.

“Papasok po ako dun?”

“Hindi lalabas ka, ano bang sabi ko?” nakatingin lang ako sa kanya, napansin ko rin yung iba pang lalaki sa likod niya. Apat lang pala sila? “Masyado kang maraming satsat!” nagulat na lang ako ng tinulak niya ko papasok sa entrance. Don’t tell me balak nilang utusan akong dekwatin lahat ng pera dito!

“Hi, goodevening Sir! You’re Xi Luhan, right?” wow! Papano niya nalaman pangalan ko?

“Ah, yes.” Sabi ko sabay bow. Mayghad! Ano ng gagawin ko, eh nandito na ko? Pumasok lang daw ako sabi nila.

“I’ll lead you to the place.”

Sinundan ko lang yung receptionist, habang naglalakad kami napansin ko yung mga kumakain dun talagang mga mayayaman lang ang kumakain dito yung iba nga may mga aso pa! Tumigil kami sa labas nung restaurant, may swimming pool pala dito at halatang pinag-effortan ayusin. Ang ganda ng design may mahabang aisle pa na may mga rose petals na nakakalat sa lapag.

Tinuro niya sakin kung nasan yung table na medyo kalayuan sa kinatatayuan namin then pagkatapos nun umalis na siya. Nag-aalinlangan nga akong maglakad eh kasi baka mali yung pinuntahan naming lugar, baka may ibang nagpareserve dito.

Teka! This is the chance para matext ko sina Se-… *Facepalm, wala nga pala akong number niya. Hay-

It took one look
Then forever laid out in fron of me
One smile then I died
Only to be revived by you

My Badass Boyfriend (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon