“Ang cute mo pala nung bata ka! Haha, sobrang payat mo!” sabi ko habang pinagtatawanan yung photo album niya dati nung childhood days niya.
“Tsk, ba’t mo naman kasi to pinakita?! Tinatago ko nga to tapos hay bahala na nga. Tsaka pwede ba bitawan mo nga tong baba ko.” Iritableng sinabi ni Sehun sa mama niya.
“Ano ka ba naman anak, ngayon nga ko nga lang naapreciate yang baba mo eh thanks to this boy.” Nginitian ako ni Tita. Wow feeling close ko talaga.
“Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi mo.” Nakasimangot niyang sinabi.
Taka kayo no kung ba’t kami nagbobonding tatlo ni ako nga di ko alam na ganito kakalabasan simula nung pumasok si mader ni Sehun sa kwarto niya na nahuli pang nakayakap sakin si Sehun.
Sinabi ko lahat ng saloobin ni Sehun sa kanya hindi man halata sa mukha ko habang nagsasalita ako pero takot na takot rin ako, nakatitig lang kasi talaga siya sakin habang nagkwekwento ako tapos sinabi ko pang:
“Mawalang galang na ho ayaw niyo sa kanya dahil sa baba niya? Hindi niyo po ba alam na nag-iisa na lang ho to sa mundo na ganito ang hugis? Magandang-maganda ang pagkakatulis nito.” With matching hawak pa sa baba ni Sehun. Sinong hindi matatakot nun diba! Silang dalawa nakatingin sakin ng masama nung sinabi ko yun!
Kaso biglang nawala lahat ng tensyon sa paligid nang tumawa si Tita. Para bang lahat ng kaba ko nawala nung marinig kong humalakhak siya grabe halos mapaupo nga siya habang nakahawak sa tsan niya kakatawa.
Pagkatapos nun naging seryoso ulit ang lahat at silang dalawa na ang nag-usap at ako nandun lang sa gilid kumakain ng popcorn na para bang nanonood ng isang koreonovela slash live action. Medyo naluluha ako nung time na yun kasi nagkapatawaran na silang dalawa.
“O ba’t natulala ka diyan? Nagsawa ka na bang pagtawanan ang mga wala kong kwentang pictures?” biglang singit ni Sehun.
“Oo! Nakakasuya na siyang tignan!” sabi ko habang palihim na kumupit ng isang litrato. HAHA! May pang-asar na ko sa kanya hindi pa ko nakakaganti sa kanya no nung time na napagkamalan ko siyang engkanto.
“Hah, nakakasawa pala ha eh ano yang ginagawa mo?” eh? Kinuha niya sa kamay ko yung picture na nakupit ko. “Kala mo ha!” tapos binalik niya dun sa album. Whoa! Wala na kong pang-asar! May araw ka rin sakin.
“Nakakatuwa kayong tignan…” narinig kong bulong ni Tita na ako lang ata ang nakarinig.
Naiwan na lang kami ditong dalawa dahil nag eempake si Sehun ng mga damit.
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (HunHan)
FanfictionLove is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a way to avoid such a scary thing? "Eh mahal ko sia magagawa niyo? Tanga na kung tanga, tao parin ako na may karapatang magmahal." - Sehun IG...