Bigla akong naalimpungatan dahil sa matinding kulog, at dahi do'n napatingin ako sa alarm clock kong nasa tabi ko. Teka, nagising ako, ibig sabihin di niya ako pinatay! Yes, I'm safe, bumalikwas ako sa gilid ng biglang kumidlat ng liwanag. Umulan na tuloy, teka parang may natanaw akong pulang marka na nasa dingding ko,
Napaupo ako do'n at kumidlat ulit. This time, nakita ko ang nakasulat 'Sleep well'. Hindi siya pintura, para siyang isang... DUGO!!!! Bumangon ako ng kama ko at lumabas ng kwarto, ang lakas ng ulan grabe. Nakita ko ang pendulum clock namin na nasa sala, katakot! Devil's hour pa pala ako nagising which is 3:00 am. Dali-dali akong tumungo sa kwarto nina mama at papa. Baka kasi tinuluyan na sila ni Jeff. At napansin ko din na wala na siya sa kwarto ko!
"Ma, pa? Nandyan po ba kayo?" Kinatok ko ang pintuan ng kwarto nila, walang sumasagot. Teka, kung pinatay niya sina mama at papa, eh dapat bukas ang pintuan. Hay, naku hindi ako marunong mag imbestiga 'no!
Kinatok ko pa rin nang kinatok ang pintuan. Hindi pa rin sumagot sina mama at papa, tumutulo na ang luha ko sa takot. Baka nga pinatay na niya sina mama at papa. Pumunta uli ako sa kwarto ko at kinuha ko ang baseball bat ko at pinagpapalo ko na ang pintuan ng kwarto nila. Biglang bumukas haay, thank God, they're okay.
"Mama," sabi ko at niyakap ko si mama. Si papa naman ay kakagising din, iyak ako ng iyak habang yakap-yakap ko si mama. Niyakap na rin kami ni papa.
"Leila, what happened?" Nagtatakang tanong ni mama sa 'kin. Pinunasan ko muna luha ko bago ko siya sinagot.
"I thought he killed you," Ti-nap niya naman ang ulo ko, at niyakap ako ulit ni mama. Hinagod pa niya likod ko, para napatahan ako.
"Shh, we're fine, dito ka nalang matulog sa 'min. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." Tumanggi ako kay mama, tiningnan ko silang dalawa.
"No ma, I can handle myself na. I'm a big girl now, right? And I have these to protect myself." Itinaas ko ang baseball bat at ngumiti sila sa 'kin. Tumango naman si ma at papa sa 'kin. Hinalikan ko sila sa kanilang mga pisngi at tumungo na ako uli sa aking kwarto.
Ni-lock ko na ang kwarto ko, at natulog na ulit.
--
Nag-alarm na ang aking alarm clock pagkagising ko, wala na pala si Jeff. Kanina pa palang mga 3 nawala 'yon. Baka siguro hindi na kinayacang hindi makapatay ng tao. Hmm... Thanks at back to normal na ang buhay ko, pero minsan, gumagaan din ang loob ko sa killer na 'yon. Saka, parang tinuring ko na rin siyang kapatid, parang kuya. Ganun, pero ayoko nang makita ulit ang pagmumukha niya, naku!
"Good morning!" Bigla akong nalaglag sa kama ko at nabigla ako sa pagsulpot niya, peste! Bwisit! Aahhh!
"Gago ka ba? Kakagising ko lang ! Saka, sino nagsabi sa 'yo na dumihan mo ang dingding ko?! Ha?!" Inirapan ko siya, at ayan na naman siya sa killer look niyang 'yan na nakakamatay, LITERALLY.
"Sarap mong titigan pag tulog eh, gusto sana kitang tuluyan na, kaso nag-request ka pala sa 'kin." Ay, okay pala 'yon sa kanya ang request ko kagabi. Buti na lang may pusong mamon din pala 'to kahit konti. Konti lang naman mga one sixteenth, gano'n.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, naku! Back to killer look na naman siya, oo. Ang old navy niyang jacket ay puno ng dugo, ang sneakers niyang converse ay puno eing dugo, at ang kamay niyang may kutsilyo puro dugo! Leche, may pinatay naman siyang mga inosenteng tao, ano ba pakiramdam niya pag may pinapatay siya? Masaya? Tsk!
"Maligo ka, may pupuntahan tayo." Seryoso kong sabi sa kanya, ni walang bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Pokerface nga naman 'tong si Jeff.
" 'Di ba sabi ko sa'yo dito lang ako sa kwarto mo?" Ay gago, napakamot ako ng ulo ko, dahil gusto ko siyang magmukhang tao, oo! Tao nga siya pero mukha siyang halimaw, from his widest grin to his stingy odor?! Haaay!
BINABASA MO ANG
A life with Jeff (COMPLETED)
HumorLeila Wilkins a fifteen year-old is an only child of her family. Hindi naman siya nagiging spoiled brat sa pagpalaki sa kanya, she never experienced love. Her parents love her pero hindi iyon ang hinahanap niyang pagmamahal. Ang hinahanap niya, ay a...