Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, at nilibot ko ang paningin ko. Puti, puti lang ang nakikita ko. Sa'ng lugar ako? Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si ate Annie na nakatulog sa sofa. At sa tabi niya merong donut. Balak kong bumangon pero ang sakit ng leeg ko, kinapa ko at ginilitan ni Liu, tinahi na pala ang leeg ko. So nasa ospital ako ngayon, napalunok ako at naramdaman ko ang sakit. Hindi pa masiyadong maayos ang tahi ko, balak ko sanang tawagin si ate Annie.
Nauuhaw kasi ako, gusto kong uminom ng tubig. Teka pansin ko lang, 'di ko nakita si Jeff dito. Akala ko siya 'yong sumalo sa 'kin. Pilit kong iniling ang ulo ko kaao masakit pa ang tahi ko. Napunit talaga ang leeg ko, pero salamat at buhay pa 'ko.
"Ate," pabulong na sabi ko. Paano ba naman pakiramdam ko, napunit na rin 'yong vocal chords ko sa pag gilit ni Liu sa leeg ko, peste! Hindi pa rin nagising si ate. Humugot ako ng malalim na hininga,
"Ateeee!!" Kahit masakit pa ang tahi ko, pilit ko siyang tinawag. Minulat niya ang isang mata niya at buti naman at tumayo siya kaagad.
"Leila! Are you alright? Kamusta lagay mo? Oh my gosh, tinawagan ko na si tita papunta na raw siya dito." Ang daming tanong ni ate Annie, ang hirap isa-isahin tss. Kinamot ko na lang ang ulo ko, at pinilit kong magsalita.
"Nasa'n siya?" Medyo basag pa boses ko, kasi nga pinilit ko lang talaga makapagsalita. Ang sakit pa ng tahi ko, kainis! Kumuha si ate ng tubig at inabot sa 'kin.
"Sino? Si Jeff? Hindi ko alam eh, nang inilagay ka niya sa loob ng kotse ko, di ko na siya agad nahagilap. Napakamisteryoso niya, tugmang tugma sa storya niya." Paliwanag ni ate na halatang namumula na. Naku, pag si Jeff talaga ang pinag-uusapan ang daming alam nito eh, at teka! Sino ang sinasabi ni Liu sa kanya na si Susan?!
"A-ate, may kilala kang Susan? O may kamag-anak ka?" Tanong ko sabay inom ng tubig na inabot niya sa 'kin. Nag-iisip muna siya ng sasabihin. 'Di ko alam kung alam niya rin ba ang tungkol sa kapatid ni Jeff.
Umiling siya at nagtungo ulit sa sofa at binuksan ang donut. Wow, my another favorite! Tila lumiwanag ang mukha ko nang makita ako cookies and cream na donut! Para akong mangingisay dito dahil to be honest, gutom na gutom na 'ko!
"Oh, kuha ka. Alam kong gutom ka eh," kumuha naman ako ng donut at kinuha ko na ang cookies and cream na donut. Oh my gosh! Heaveeeeen!
Kumuha si ate Annie sa ref ng juice at teka, seriously? Saang lugar ako? Ba't lakas maka bahay ang lugar na ito? Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? O ano?! Umiling na naman ako na parang tanga at kinagat ko ulit ang donut hanggang sa naubos na. Naramdaman ko naman ang pag stretch ng tahi ko. Ano ba'ng ginamit nilang sinulid dito? Garterized?
"Naku, Leila sabi nga pala ng doktor, dahan dahan ka lang sa paglunok kaai kakaopera pa lang sa 'yo! Baka kasi masira ang lalamunan mo diyan! Tumango-tango na lang ako at uminom ng tubig. Lakas maka hotel suite ang kwartong ito ah?
Maya-maya pa ay pumasok na si mama at niyakap ako. Heto na naman siya, nagdadrama. Hindi pa naman ako patay, 'di ba? Ang over nga naman minsan ni mama eh, si papa nga... Oo nga pala, ang papa ko. Biglang may dumaloy na likido sa mukha ko at naiyak na rin pala ako.
Niyakap ko rin si mama. Ang drama naman, ayoko ng drama sa buhay ko eh! Saka, parang bahagya akong nalungkot dahil 'di ko man lang nakita ang presensya niya dito. Di ko man lang nakita si Jeff, tumatak pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya sa kapatid niya. Parang pakiramdam ko, he's my knight in shining armor. Parang pakiramdam ko, minamahal ko na talaga siya. Iba na nga 'tong nararamdaman ko. Hindi na nga talaga ito normal. Bumuntong hininga na lang ako, at humiwalay sa pagkakayakap kay mama. Pinunasan niya ang luha ko.
"Honey, ang killer ba ang may gawa nito?" Umiling ako sa kanya, pero tumango na lang siya. Nakita ko sa mukha niya na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Parang pakiramdam niya, pinagtatakpan ko si Jeff. Pero totoo naman ang sinasabi ko, 'di ba?
Yumuko na lang ako at umiling. Wala naman akong magagawa eh, dahil sa paningin ni mama, si Jeff lahat ang may kagagawan sa mga nangyayari sa buhay namin. I can say na oo, killer siya. Pero bakit niya ako pinoprotektahan laban sa mga gustong pumatay sa 'kin, 'di ba? Minsan napapaisip din ako eh, hindi ko alam. Pero sana, pag nakalabas ako dito sa ospital, makita ko na ulit siya.
"Tita, kain muna po kayo," pagbasag ni ate Annie sa biglaang katahimikan na bumalot sa amin. Inalok niya na lang ng pagkain si mama kaso, tumanggi siya. Bumuntong hininga na lang ako at humiga.
Saan na kaya siya? Gusto ko siyang pasalamatan, gusto ko siyang mayakap at gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, dahil...
Mahal na mahal ko na si Jeff Woods.
BINABASA MO ANG
A life with Jeff (COMPLETED)
HumorLeila Wilkins a fifteen year-old is an only child of her family. Hindi naman siya nagiging spoiled brat sa pagpalaki sa kanya, she never experienced love. Her parents love her pero hindi iyon ang hinahanap niyang pagmamahal. Ang hinahanap niya, ay a...