29~ Is this really the end?

678 53 17
                                    

Nakatayo pa rin ako at bigla akong hinila sa kamay ni Jane. Baliw ba siya? Papatayin namin si Jeff? Hell no, I love him more than myself anymore. Bigla siyang napalingon sa akin dahil nagmamatigas ako. Ayokong patayin ang taong mahal ko. Napatingin siya sa 'kin at tinanggal niya ang kanyang maskara sa mukha.

“Oh? Bakit ayaw mong sumama? Hanapin natin si Jeff.” Huminga ako ng malalim at inalis ko ang kamay ko sa kanya. Tumalikod na ako at tuluyang humakbang paalis, pero nagsalita siya bigla.

“Leila, don’t tell me na nahulog ka na nga sa kanya?” Bigla ko naman siyang hinarap, naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko sa pisngi ko. Hindi ko 'to kaya, ayokong makipag-deal sa kanya na patayin si Jeff. Magsisimula na si Jeff sa bago, pinapangako ko iyon, I will convince him not to kill people.

“Oo, mahal ko na si Jeff at ayaw ko siyang mawala sa piling ko. Ano Jane? Ano ba mapapala mo sa pagpatay ng mga tao? 'Wag mo akong bigyan ng rason na gusto mo lang.” Tinaasan niya ako ng kilay, at ngumisi.

“Leila, alam mo naman siguro ang nangyari sa 'kin, 'di ba? Alam mo naman siguro ang ginawa ng Jeff mo sa 'kin.” Napayuko na lamang ako at bumagsak na ang luha ko sa lupa. Nakakapit pa rin si Carolyn sa laylayan ng damit ko. Hinawakan ko kamay niya, gusto ko sanang maging tahimik ang buhay ko. Ayoko ng ganito, gusto ko tulad lang ng dati. Iniyukom ko ang palad ko at tinatagan ko ang loob ko para sabihan si Jane.

“Jane, bakit? Bakit mo pa siya papatayin? Babaguhin ko na siya, mahal ko na siya. Hindi kita kayang tulungan na patayin si—” bigla niyang hinablot ang damit ko at hinila niya ako palapit sa kanya.

“That’s why I’m using you. Ikaw lang ang pinakamalapit na tao kay Jeff. Masuwerte ka nga dahil hindi ka niya pinatay eh. Siguro naman, meron ka lang taglay na karisma na paamuhin ang killer na tulad niya. You know what, Leila? I’m jealous with you, bakit? Dahil kung ako lang sana sa kalagayan mo, matagal na sigurong patay si Jeff the killer.” Tinanggal ko ang kamay niya sa damit ko at tiningnan ko siya ng masama.

“But you’re not me. Tandaan mo iyan, magkaibang tao tayo. Wala kang magagawa dahil mahal ko si Jeff at mahal niya rin ako,” PAK! Napahawak ako sa pisngi ko sa biglaang sampal niya sa 'kin. Lalong tumulo ang luha ko, dahil—hindi ko alam ang gagawin. Isa pa, wala akong dalang armas para protektahan ang sarili ko. Wala naman akong tiwala kay Jane, dahil sa simula pa lang, ay may plano talaga siya sa 'kin. Gagamitin niya lang ako laban kay Jeff and that won’t be happen.

She spit out her word, “nagseselos ako sa 'yo, dahil—may gusto rin ako kay Jeff.” Tiningnan ko siya muli ng masakit, sa huling pagkakataon.

“Well, pasensya ka na sa akin siya may gusto, Jane.” Agad na akong tumalikod para umalis na talaga pero bigla niyang hinila ang buhok ko at hinawakan niya ako sa leeg habang tinututok ang kutsilyo niya sa 'kin. Nabitawan ko ng 'di oras si Carolyn kaya nadapa at tuluyang umiyak.

“Bitawan mo ako, papatayuin ko ang bata,” tumawa lang siya na parang walang pakialam. Fuck this Jane the killer. Hinigpitan niya ang paghawak sa leeg ko na naging sanhi na hindi na ako makahinga. “Ca-Carol, run! Save y-your li-life!” Agad naman siya tumakbo at siniko ko si Jane. Bigla niya akong nabitawan at nalaglag niya rin ang kanyang kutsilyo.

Nagkatinginan muna kami at sinipa ko ng matindi ang kanyang kutsilyo. Tatakbo pa sana siya pero hinila ko ang buhok niya pero natanggal iyon. Huli ko lang nalaman na wig pala ang suot niya, hindi niya iyon buhok! Nakita ko ang tunay niyang hitsura, tumutubo na ang kanyang buhok, pero hindi pa umabot sa kanyang mga balikat. Napaupo siya at nagkatitigan kaming dalawa. I stared at her green eyes, nangingilid na ang luha niya—but no! Ayokong magpapadala sa awa niya, baka may pinaplano siya.

“Tingin ko, fair na tayo? Wala akong kutsilyo, wala ka na ring kutsilyo.” Malayo ang kanyang kutsilyo sa kanya kaya hindi niya na maabot iyon. Lumapit ako sa kanya at hinila ko ang strap ng kanyang damit. Bigla iyon napunit at lumitaw ang maselang bahagi ng dibdib niya. Tinakpan niya naman iyon, hindi pa rin siya lumaban sa 'kin. Tinawanan ko na lang siya. Tila nagmamakaawa na ang tingin niya sa 'kin, pero binalewala ko na lang iyon. Huminga naman siya ng malalim at lumapit sa 'kin.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon