Special Chapter~ Annie and Liu

877 45 2
                                    

This scene is connected to the chapter 14.. 'yong binaba agad ni Leila ang tawag.. hahaha!!! Short moment of AnnLiu (Annie and Liu) hart hart!

--

ANNIE

Magkasama kami ngayon ni Liu. Gosh, ang sweet niya sobra at ramdam kong mahal na mahal niya si Susan. Kaso nga lang ako ito as Susan, pero—parang may feeling na ako na gusto ko na si Liu eh? Sooo… Paano na 'to? Ayoko pang mahulog, 'no! Baka kasi masasaktan ako. Nakatalikod ako habang tinitingnan ko ang magandang tanawin dito sa park ng bigla akong nakaramdam ng yakap. Napalingon ako at bumungad agad si Liu, namula naman ang mukha ko dahil—ang pogi niya talaga, kahit na may tahi 'yong mukha niya. Mapanga-nga ka talaga!

“Ano?” Ngumiti ako sa kanya at ramdam ko ang pamumula ko. Bakit? Kasi, umiinit hanggang tenga ako! Ano ba naman ito! Umiwas ako ng tingin sa kanya, at humarap habang nakayakap pa rin siya sa 'kin.

“Ano?” He smirked, his smirk though. Lalong nakakaturn-on, pero itinatak ko pa rin sa isip ko, ay isa lang itong misyon! 'Yong pakana ni Leila, kasi eh! Mas gusto ko sana si Jeff kasi siya ang crush ko! Siya ang favorite ko, kaso nga lang—si Leila may gusto rin doon, kaya g-um-ive way na lang ako para walang problema. Ayoko naman masaktan si Leila, kasi—mahal ko rin 'yon eh. Parang little sis na ang turing ko sa kanya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Liu at hinawakan niya ang kamay ko. Ni-sway pa niya 'yon habang naglalakad kami, isn’t it sweet? Kinilig ako, leche! Naghanap kami ng mauupuang dalawa dahil nga, nakakangawit 'pag nakatayo kayo buong magdamag.

“Sana ngayon, 'di ka na muli mapapahamak. Basta nandito lang ako parati sa tabi mo, Susan.” Sus, bumanat—agad naman akong namula sa sinabi niyang iyon. Naalala ko kasi ang kuwento ni Leila sa 'kin, tungkol sa nangyari kay Susan. Sabi kasi raw, binaril siya malapit sa coffee shop or sa coffee shop mismo? Ewan! Basta, nakalimutan ko na about Susan.

Wala na lang talaga akong masabi—as in wala! Kasi, kinilig talaga ako sa kanya. Gan’to ba talaga ang magkapatid na Woods? Kahit, si Jeff nga nakapokerface lang palagi pero sa t’wing makikita ko sila ni Leila ay feeling ko, kinikilig na rin ako. Si Jeff kasi, parang boring na tao—pero malay ko ba sa kanila ni Leila kung sweet siya. Depende naman siguro iyon sa tao, 'di ba? Napatingala naman ako dahil nahagip ng paningin ko ang jet lane. Oo, naaaliw kasi akong makita ang usok sa likuran ng jet, para bang nagmamarka talaga sa himpapawid. Ang cute kaya tingnan. Habang naaliw akong nakatingala, bigla naman akong inakbayan ni Liu. Napatingin naman ako sa kamay niya, ngumiti na lang ako.

Bigla akong tumingin sa kanya, “Pangako, hinding-hindi na ako mapapahamak. May tiwala ako sa 'yo, Liu.” Hinaplos niya naman ang pisngi ko. Pakiramdam ko, nag-pi-piyesta 'yong mga paro-paro sa sikmura ko! Napatingin naman ako sa mata niya. His physical aspects are easily to define. Pero 'yong emosyon niya, hindi ko talaga ma-e-explain. I like him!

“My love,”

“Hmm?” Sabi ko, siyempre hinihintay ko siyang sabihin sa 'kin ang katagang ‘I love you’ kaso 'di ako makahintay!!

“I love you, Liu.” Script ko lang ito, pero parang—may feelings na ako no’ng sinabi ko sa kanya iyon? I really don’t know. Ginawa ko lang naman iyon, para naman makuha ko nga raw ang loob ni Liu. Pero ang masama yata rito, si Liu ang kumuha ng loob ko? Bigla siyang ngumisi,

“Love. I know that it’s easy to say, but it’s hard to explain. I think, I only need a lot of research to prove it to you. Pero, mapadama ko lang sa 'yo, 'yon na 'yon.” Biglang kumunot ang noo ko, sobrang lalim naman niya. Dahil sa sobrang lalim niya, 'di ko na naintindihan 'yon. Tumawa naman ako at hinampas ko siya sa dibdib.

“Haha, mahirap ba talagang sabihin ang ‘I love you, too’?” Napailing ako at biglang naging seryoso ang mukha niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, sheet!!! I started to get red as a tomato! Napapikit ako ng biglang naramdaman kong ni-nose to nose niya ako. Ehh, namula naman ako roon. Akala ko kung hahalikan niya naman—

Wait! He gave a peck on the—the lips! Ano 'yon? Nakawan lang ng halik?!!

“Magananakaw!” I crossed my arms. Bigla naman kumunot ang noo niya sa 'kin. Ang gwapo niya pa rin, to be honest. Kahit ano’ng angulo, gwapo pa rin siya.

“Paano ako naging magnanakaw?”  Aniya.

“Kasi, ninakawan mo ako ng halik.” Sabi ko sabay kurot sa matangos niyang ilong. Pulang-pula na talaga ako—at kanina pa ako naiihi sa kilig rito. Naku, kung hindi lang ito killer eh 'di sana, may anak na kami! Kidding aside.

Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko, sabi nga naman ni Leila, bawal akong mahulog. Kailangan lang naman na kuhanin ko ang loob ni Liu para—mahuli siya. Pero kaya ko ba iyon? Mukhang mabait naman kasi siya eh. Pero ang tanong ko muli, kaya ko ba? Ewan! Bigla kong pinatay ang malisya ko, at sinakyan ko na muli si Liu. May hinugot siya sa bandang bulsa niya at inilabas niya ang kanyang kutsilyo. He’s just like Jeff. Sabagay, mag-kuya nga naman 'to.

“Bakit ka may ganyan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako, pagkatapos binaling muli ang tingin niya sa kutsilyo. Humugot siya ng malalim na hininga bago ako sinagot.

“Alam mo naman kung ano’ng ginawa ng pesteng doktor sa 'yo, 'di ba?” Biglang kumunot ang noo ko, nang tumingin siya sa 'kin. Doktor? Ano ba’ng nangyari kay Susan? Teka, haaaay! Nakalimutan ko na, paano kasi—kung saan-saan siguro lumilipad ang isip ko habang kinukuwentuhan ako ni Leila tungkol kay Liu at Susan. Psh.

“Ay hindi mo siguro naalala. Akala ko kasi, pinatay ka ng doktor kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Kaya naghanap ako ng paraan para ipaghiganti kita.” Tumango-tango na lang ako as if naintindihan ko siya. Well, okay naalala ko na ang kinuwento ni Leila sa 'kin. 'Yong nabaril si Susan, at sinugod ni Liu sa ospital. Tapos, 'di na naagapan si Susan, kaya ang akala ni Liu ay pinatay siya ng doktor. Doon nasiraan ng bait si Liu, kaya pinatay niya ang doktor pati na rin ang mga taong nakikita niya.

“Gano’n siguro 'yon.” Bulong ko. Teka, binulong ko pala 'yon?

“Gano’n 'yon ano, Susan?” Bigla akong napatingin sa kanya at umiwas kaagad. Umiling-iling na lamang ako. Peste, narinig pala niya iyon? Ang hina na ng pagkakasabi ko ah. So that means, 'yon ang dahilan kaya nabaliw si Liu kay Susan. So ang Liu na nakaharap ko ngayon, ay isang baliw na. Oo nga naman, baliw nga—kaya pigilan ko na lang ang sarili kong mahulog sa kanya.

“Ikaw talaga, tara iuwi na kita.” Sabi niya at biglang nanlaki mata ko. Iuwi? Seriously? As if, meron naman siyang bahay—eh sa apartment ko naman siya umuuwi. Bumuntong hininga na lang ako. Okay lang na i-rape ako nito, at least, guwapo naman. 

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon