25~ He Confessed?

786 53 7
                                    

Hindi lang pala siya killer, pervert din. Nandito na kami ngayon sa hapagkainan kumakain pa rin kasi si Carolyn, halatang gutom na gutom talaga siya. Habang tinitigan ko siya, napatigil naman siya sa pagkain at tiningnan niya ako, pagkatapos ay tumingin siya kay Jeff na boring na boring. Binalot kaming tatlo ng katahimikan. Tiningnan ko si Jeff, nakatingin siya sa gilid samantala si Carolyn naman ay palipat-lipat ang mata niya sa aming dalawa ni Jeff.

“Mama, nag-away po ba kayo ni Papa monster?” Mahinahong tanong ni Carolyn sa ‘kin, ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at hinimas ‘yon. Napatingin naman si Jeff sa bata na parang gusto niyang kainin ng buhay. Natakot naman si Carolyn kaya hindi na lang siya tumingin kay Jeff.

“Parang ‘di po ako gusto ni Papa monster eh,” yumuko siya at ‘di na niya tinapos ang pagkain. Tiningnan ko naman si Jeff at inirapan, nagtungo na ako kay Carolyn upang buhatin at hugasan na ang kanyang kamay na punong-puno ng ketchup. Habang nasa lababo kaming dalawa ni Carolyn ay ‘di ko maiwasang amoyin ang buhok niya, amoy araw. Hindi pa yata siya naliligo, siguro maghalungkat ako mamaya sa kwarto ko ng mga maliliit kong damit.

“Busog ka na ba, Carolyn?” Tanong ko sa kanya habang sinasabunan ko ng maigi ang kanyang mga kamay. Hindi naman siya nagsalita parang—wala siya sa mood?

“Mag-wa-wash ka mamaya ha? Ang dungis-dungis mo kasi, para kang si Papa monster,” pagkatapos kong hugasan ang mga kamay niya ay ibinaba ko na siya. Pinunas niya naman ang kanyang kamay sa towel na nakasabit sa ref. Tiningnan ko muli si Jeff na parang nakatingin sa kawalan. Loko rin ‘tong isang ‘to eh—he’s such a pervert! Pero, sa kanya lang ako kinikilig ah, leche siya.

“Mama, pwede si Papa monster ang mag-wa-wash sa akin? Please,” she pleaded with matching puppy eyes. Oh, such a cute little girl. Kinurot ko naman ang pisngi niya at ngumiti sa kanya. Parang narinig iyon ni Jeff kaya napatingin siya sa direksyon naming dalawa, nagtama naman ang mata namin. Boring na tingin pa rin ang ipinukol niya sa ‘kin. Tumayo siya para umakyat pero pinigilan ko siya.

“Akala ko ba, okay na tayo?” Seryoso kong tanong sa kanya, hindi na siya umimik pa at umakyat na lang ng basta-basta. Hindi rin siya kumain, biglang nalungkot naman si Carolyn dahil nga kay Jeff. “Don’t be sad, ako na lang ang mag-wa-wash sa ‘yo. And I’m sure na tabihan natin matutulog mamaya si Papa monster.” Tumango naman siya at ngumiti. Niligpit ko ang kinainan niya at hinugasan iyon. Konti lang naman eh, kaya hindi ko na ito ipagpabukas pa. Pagkatapos kong gawin ‘yon ay umakyat na kaming dalawa.

Pagkapasok at pagkapasok ko ng kwarto ay nakita ko kaagad si Jeff na naglalaro ng psp ko. Pinaupo ko muna si Carolyn sa kama at nagtungo kay Jeff. Lumapit ako sa kanya at inakbayan ko siya, dahan-dahan kong hinalikan ang pisngi niya.

“I love you,” nakita kong tumigil siya sa paglalaro pero ‘di nagtagal iyon. Pinagpatuloy niya ang paglalaro sa psp ko. Okay, ako lang naman ang naghahabol sa kanya eh—pero ‘di ba, gusto niya ako? Ba’t gano’n? Naku, nag-a-assume lang naman siguro ako. Bumuntong hininga ako at tumayo na, upang paliguan ko si Carolyn. Hinanda ko muna ang susuotin niyang damit, ‘yong mga damit ko no’ng bata pa ako. Nandito pa rin mga ‘yon, sabi kasi ni Papa baka daw in case na magkaanak ako may ipapamana ako. Natawa naman ako roon. Paano kung, lumang-luma na ang damit ko at gusot-gusot na? Umiling na lang ako at inilapag ko na ang mga damit sa kama ko.

Niyaya ko na si Carolyn na pumunta ng banyo at pinaliguan ko siya. Hindi naman tumagal ‘yon, kasi nalalamigan siya kaya mga ilang minuto ko lang siya pinaliguan. Tila nag-e-enjoy pa nga siyang maligo kahit malamig, pero baka magkasakit pa siya kung tatagalan ko pa. I wrapped her using a towel and I carried her to my bed. Umupo siya roon at kinuha ko ang pulbo para maging mabango siya. Gustong-gusto ko talaga ang batang ‘to, she’s cute and adorable.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon