NOTE: Hey, to tell you, malapit ng matapos ang A LIFE WITH JEFF. Hindi ko talaga kaya ang 40 chapters, hahaha!! Pero ayos lang 'yan. Heto na ang update na medyo ewan! Pagtiyagaan niyo na lang, okay? :)
Vote and Comment na lang po. Thanks!
---
Bakit sa tuwing makakasama ko si Jeff pakiramdam ko, bumabagal ang takbo ng oras? Narito na ako sa tapat ng bahay, hindi pa ako pumapasok pero—maraming mga masayang ala-ala ang pumasok sa isipan ko. No’ng mga panahong ‘di pa dumating si Jeff sa buhay ko.
“Papa, paabot ng pancakes.” Pinaabot ko kay Papa ang pancakes at nilagyan pa niya ng maple syrup na ayaw na ayaw ko. I prefer honey and butter than maple syrup. Tuwang-tuwa ako dahil nga kumpleto kaming nasa hapagkainan.
Tumingin ako sa direksyon ni Mama na tahimik lang na kumakain, bigla siyang napatigil at tumingin siya sa ‘kin. “What’s wrong honey?” Nakangiting tanong niya. Umiling na lang ako at kinain ko na lang ang pancake. May pakiramdam ako na—parang may hindi pagkakaintindihan sina Mama at Papa.
Tiningnan ko silang dalawa at biglang tumawa si Papa,
“Surprise!! We have a gift for you,” iniabot sa ‘kin ni Papa ang isang box na binalot sa isang wrapper. Napatingin ako kay Mama na ngumiti na at tumango sa ‘kin at tiningnan ko ang hawak kong kahon. Tumingin ako muli kay Papa at ngumiti naman siya. Binuksan ko ang nakabalot sa wrapper at nagulat ako—they give me an iPhone 5. Napatutop ako ng bibig sa tuwa.
“Oh my gosh, I love you Ma, I love you Pa.” Tumayo silang dalawa at niyakap nila ako. Napaluha ako do’n kasi minsan hindi ako humihiling sa kanila ng kahit ano’ng mga materyal na bagay, sa pagmamahal nila ay ayos na ako.
“Kumain ka na ulit,” nakangiting turan ni Mama at nagpatuloy na rin siya sa pag kain.
‘Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit gan’to ang pinagdadaanan ko ngayon. Nawala bigla si Papa ng ‘di ko alam, hindi rin ako naniwala na pinatay talaga siya. At—si Mama, may pagdududa ako kay Mama. Umiling na lamang ako, ang gulo-gulo kasi ng isip ko.
“Pumasok ka na, hatid pa ba kita gusto mo?” Bigla akong lumingon sa likod ko, lecheng Jeff na ‘to. I glare at him,
“Don’t be like that,” inirapan ko siya at humakbang na ako papasok ng bahay. Isinara ko na ang pinto, at natatanaw ko pa si Jeff sa labas. Duguan ang hoodie pati ang kutsilyo, at siyempre ang ngiti niyang nakakatakot. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko dahil alam kong namumula na naman ang pesteng mukha ko! Banatero rin pala ‘yong killer na ‘yon? Kahit na—teka, dati ‘di ito ang nararamdaman ko ah? Bakit ngayon parang—nag-iba?
Hay, oo nga naman baka antok lang ‘to, mag-aalas tres na ng madaling araw at ayoko pang magmukhang zombie. Gusto kong salubungin ang araw na mukha akong blooming, dahil sa kanya. Naku, siya na naman ang naisip ko makatulog na nga!
--
“Leila,”
Sino ‘yon? Boses babae ah? Saka, nakatulog ako ‘di ba? Nagkumot ako hanggang ulo, baka kasi nananaginip lang ako eh. Hindi pa naman tirik ‘yong araw sa alam kong umaga na—
“Leila,”
Napamulat ako ng mata—WHAT THE HECK! Muntikan na akong malaglag sa kama ko dahil—si Ate Annie lang naman, peste. At teka, matagal pa ang halloween ah? Bakit, bakit siya nakaayos? Na parang rag doll na nakakatakot? Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng kwarto ko, maayos naman. Walang killing sign, at binaling ko ulit ang tingin ko kay Ate Annie.
BINABASA MO ANG
A life with Jeff (COMPLETED)
HumorLeila Wilkins a fifteen year-old is an only child of her family. Hindi naman siya nagiging spoiled brat sa pagpalaki sa kanya, she never experienced love. Her parents love her pero hindi iyon ang hinahanap niyang pagmamahal. Ang hinahanap niya, ay a...