6~ Make Over

1.4K 111 32
                                    

Sticky Note right here: Let me excuse typos, bc I love using my phone when I am updating this story :)

P.S. sorry sabaw, IDK kung bakit ako kinikilig HAHAHAHAH

--

Nakalabas na kami ng convenience store ni ate Annie, at salamat naman at hindi na kami naabutan ng mga media, oo! Naku, kahit nakakatakot ang mga bangkay na nakahandusay sa sahig eh as if lang kami ni ate Annie na 'di namin nakita 'no.

Naalala ko ulit 'yong nangyari kanina, niligtas niya 'ko tapos he killed the strange man brutally. Then I hugged him, waaiiit! Bakit siya naisip ko?! In love na kaya ako sa killer? Wait, no! No, BAAAAD! I shook my head at napansin naman ako ni ate Annie,

"Are you okay?" Tanong niya sa 'kin, yumuko ako tapos inangat ko muli ang ulo ko at hinarap siya.

"Yes, ate pasok na uli tayo sa mall," yaya ko sa kanya, tumango naman siya at bumalik na nga kami sa mall. Napagpasyahan naming dalawang mag window shopping, oh my gosh, ang daming magagandang damit! Teka, dala ko yata yung credit card ko dito? Aha, it's time to buy some clothes,

Para akong bata na hinila ko si ate Annie sa ladies section, siyempre tingin tingin muna ako ng mga dresses. Yes, I prefer dresses than wearing a piece of shirt and jeans. Naghanap ako ng magagandang floral dress and yes! May nakita akong maganda, white cottony dress siya na maraming bulaklak na design, simple lang pero maganda tingnan. Kinuha ko na agad 'yon hanggang sa binayaran ko na.

Naglibot pa kami ni ate Annie sa department store, hanggang sa napadpad kami sa men's section. Bigla akong may natanaw na magandang t-shirt na panlalaki, hmm... since old navy jacket at levi's jeans lang ang paratinf sinusuot ni Jeff, bakit 'di ko siya bilhan? Mahalaga pa naman buhay ko eh, aha! Kailangan ko siyang i-make over!

"Ate Annie, umm... favor?" Humingi ako ng favor kay ate Annie, kasi 'yong mommy niya isang surgeon at oo,alam niya na fan na fan si ate Annie ni Jeff ! Kaya chance niya na 'to para ma meet ang horrible killer na nanggulo sa buhay ko.

"Ano yun, Leila?" Nakangiting turan ni ate Annie, napakamot ako ng ulo, teka paano ko ito sisimulan? Hmm, bahala na nga!

"Ate, hanapan mo ako ng magandang damit na panlalaki, ano kasi eh, 'di ako marunong pumili. Saka, nando'n ba si tita sa inyo?" Ang dami ko nang satsat at request kay ate, naku ! Minsan lang 'to!

"Ah, oo. Teka, pipilian kita ng damit ng panlalaki? Hmm, I smell something fishy, may nanliligaw ba sa'yo? Or may boyfriend ka na?" Pinisil niya naman ang pisngi ko, eh hindi naman ako cute, bakit pa niya pinipisil pisngi ko? Wait, wait, paano ko sasabihin? Hmm, sige na nga kunyari boyfriend ko DAW.

"Ah--oo ate, hihi, kakasagot ko lang sa kanya kahapon. Hihi," Tiningnan niya ako at kinurot niya naman tagiliran ko,

"Uyy, dalaga na siya, pakilala mo naman 'yun sa 'kin

" Nakangising saad ni ate Annie, naku! Kung makikilala mo siguro 'to baka mapatay ka niya, este! Ay naku!

"Hehe, one request naman ate, umm... may diperensiya kasi mukha niya eh, kailangan ko pa siyang i-pa-check lay tita." Nagingseryoso naman si ate Annie, at biglang ngumiti,

"Naku, okay lang 'yan! Libre na, baka minor lang naman sira ng mukha ng boyfriend mo, Leila. Hehe, pangit ba? Kaya gusto mo maging gwapo siya?" Napakamot na lang ako ng ulo, si ate kasi eh, daming tanong. Haaay!

"Kasi, ate na-deform mukha niya eh," tumigil ako, at bigla akong humagikhik ng tawa, kainis oo, gusto ko lang naman baguhin si Jeff eh. Para wala na siyang mapatay na mga inosenteng tao.

"Hahaha! Adik ka talaga Leila, sige kailan mo gusto?" Oo nga, kailan ko gusto maging mukhang tao si Jeff?

"Wait ate, umm, bilhan ko muna siya ng bagong damit." Hinila ko si ate Annie. Sa tribal kami naghanap ng damit, oo maraming maganda pero hindi ko type yung design. Puro bungo kasi. Mas okay pag mga abercrombie pero ang mahal,

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon