Note: since wala daw kami pasok ng electronics, napagkamalan akong lalaki dito! Anong connect? Wala! HAHA Heto na nga,
---
Sinave ko ang picture na iyon sa cellphone ko, para malaman ko kung sino talaga ang lalaking naka hoodie na kasama ni Liu. Kung si Jeff iyon, bakit hindi itim ang buhok niya? Kung nasunog siya talaga-- teka? Tingnan ko nga ulit ang artifact about Jeff The killer.
Binasa ko iyon ng maigi, at oo nga! Si Jeff ang nakahoodie sa picture! Pero paanong umitim ang buhok niya?! Nag-iisip ako nang biglang may kumatok sa pintuan,
"Leila?" Si mama pala ang kumatok, ano naman ang kailangan niya? Mag-iimpake ako? Hell no! Ayokong umalis sa lugar na ito, habang safe ako dito hinding hindi ako aalis.
"Ma?" Pinagbuksan ko siya muna ng pintuan, ano kaya kailangan niya dito? Tumingin siya sa 'kin nang nakangiti. At napansin ko lang para siyang namumutla na ewan,
"What happened, ma?" Kunot noo kong tanong sa kanya, hindi siya umimik. Biglang tumulo ang luha niya,
"Wala na ang papa mo," nanlaki ang mata ko, at napatakip ako ng bibig ng 'di oras. Paanong--si Jeff ba ang may gawa?! What the?!
"Who killed him?" Seryoso kong tanong sa kanya, umiling na lang siya, na ibig sabihin, hindi niya alam kung sino. Niyakap niya na lang ako at humagulhol ng iyak. No, she's kidding, I know.
"Ma, tell me that you're kidding." Patuloy nang umagos ang luha ko sa mukha ko. Hinagod niya ang likod ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin.
"Leila, we have to go now," humikbi siya sa harap ko. Tiningnan ko lang naman siya ng seryoso. Umiling ako, hindi. Hindi ko kayang iwan ang lugar na ito! Napamahal na ako dito kahit, kahit kami lang ang nakatira dito.
"Ma, listen wala ng ligtas na lugar dito. Wala na, alam mo naman ang nangyari kay papa 'di ba? Mas mabuti na dumito na lang tayo, at ako na lang ang lalabas at hahanapin ko ang pumatay sa papa ko!" Galit na sabi ko at kinuha ko ang baseball bat at bumaba na ng hagdan. Kung sino man ang pumatay sa papa ko, magbabayad siya. If it's not Jeff, maybe it's his brother. Dalawa lang naman sila eh,
"Leila, don't go out!" Dinig kong sigaw ni mama sa 'kin.
Hindi ko na lang pinakinggan si mama at basta basta na lang ako naglakad dala-dala ang baseball bat ko. Nakita ko ang sasakyan ni ate Annie na papalapit at bigla siyang huminto, sa tabi ko.
"Leila, sa'n ka pupunta? Nakita mo si Jeff?! Oh my gosh, gusto kong magpapicture sa kanya kyaaah!!!" Teka, nalaman ba ni ate Annie na tumatambay si Jeff sa kwarto ko minsan?!
"Ha?" Sumimangot siya at tinapik ako sa balikat.
"Nagtatampo ako, remember Frey? Your so-called boyfriend? Bakit mo dineny sa 'kin? Ang sakit sakit! Huhuhu. Pero joke lang 'yon, at teka, saan ka pupunta? May tournament ka teh? Tournament seryoso?!" Ang daming tanong ni ate Annie, napakamot na lang ako ng ulo sa kanya at umiling.
"I want tp find him" Yes, gusto kong makita at makausap si Jeff, kung may kinalaman siya sa pagpatay ng papa ko. Napansin kong biglang nanlaki ang mata ni ate Annie sa bandang likuran ko, paglingon ko, si...Jeff. Kinompronta ko siya agad.
"May kinalaman ka ba sa pagpatay sa papa ko?" Seryoso kong tanong sa kanya, hindi siya umimik. Tiningnan niya ako ng matalim at oo, nakangiti na ang mukha niya. Wala na ang tahi niya, lahat lahat.
"Wala akong kinalaman do'n, Leila."
"SABIHIN MO 'YONG TOTOO!" Hinablot ko ang hoodie niya, at tinutukan ako ng kutsilyo.
"Sinabing hindi ako ang pumatay sa papa mo!" Tiningnan ko siya ng matalim at biglang tumulo ang luha ko, pinunasan ko iyon, at lumakad palayo.
"Leila!" tawag niya sa 'kin. Binilisan ko ang lakad ko, para hindi niya ako maabutan. Tanaw ko naman si ate Annie na nagkulong na lang sa loob ng kotse niya. Umiiyak na ako, hindi ko na maibabalik pang muli si papa.
"Saan ka pupunta?" Isang malamig na boses ang sumalubong sa 'kin at itinutok niya ang kutsilyo sa leeg ko, inangat ko ang mukha ko, si Liu.
"Patayin mo ko, sasaya ka naman diyan 'di ba? Hindi ako natatakot mamatay, at alam mo mas masahol ka pa sa kapatid mo! Hindi ikaw ang kuya niya, na handang ipagtanggol siya laban sa mga nag-aapi sa kanya, isa ka nang HALIMAW!" Sigaw ko ng bigla niyang ginilitan ang leeg ko, at sakto namang sinuntok siya ni Jeff kaya natumba agad ako.
Ang sakit ng sugat na iyon, dumaloy ang dugo mula sa leeg kong sinugatan ng kapatid niya, tiningnan ko silang dalawa.
"Ngayon, nagtuos na tayo kapatid. Malaki ang kasalanan mo sa 'kin, alam mo kung bakit? Tingnan mo ang ginawa mo sa 'kin no'ng panahong pinaslang mo mga magulang natin. Ilang tahi pa sa puso ko ang kinaya ko, dahil nga alam ng diyos siguro na, masamang damo ako, ay nabuhay pa 'ko, pero ngayong nakita na kita tatapusin ko na ang buhay mo. Kasama ang babaeng 'to." Sabi niya sabay tingin sa 'kin. Si Jeff naman ay napako lang sa kinatatayuan niya.
"Pero bago 'yan, kapatid ko, tatapusin ko muna ang babaeng 'to." Dahan dahan siyang lumapit sa 'kin at tiningnan ako ng nakakatakot na tingin, oo! Shit, hindi, ito na yata katapusan ko! Hindi, nanginginig na 'ko sa takot. Inangat niya na ang kutsilyo niya at napapikit na lang ako ng--
"STOOOP!" napadilat ako nang makita ko si ate Annie na hinihingal at kagagaling pa sa tapat ng bahay namin, tiningnan ko si Liu at tinitigan niya si ate Annie, para siyang nangatog at natulala.
"S-susan?" Mahinang sabi niya, Susan? Susan tawag niya kay ate Annie? Sino si Susan?!
"Leila, let's go." Nanginginig na sabi ni ate Annie sa 'kin. Tiningnan ko si Jeff, nanigas rin sa kinatatayuan niya. Bigla siyang gumalaw at tinutukan si Liu ng kutsilyo.
"Sa oras na papatayin mo si Leila, hindi lang kita masasaksak. Kundi ipapakain ko pa sa 'yo ang mga laman loob mo!" Tahimik pa rin si Liu kakatitig kay ate Annie, hindi ko na sila maintindihan. Kumunot ang noo ni ate Annie habang nakatingin din kay Liu.
Bigla niyang siniko si Jeff at lumapit sa direksyon namin. Napaurong ako, hinila ako ni Jeff papunta sa kanya.
"S-Susan? Buhay ka," sabi ni Liu sabay haplos sa mukha ni ate Annie. Sa mukha ni ate Annie, natatakot na ito sa kanya. Uurong na sana siya nang bigla siya nito niyakap.
"Susan, matagal kang nawala sa 'kin, akala ko, pinatay ka na ng doktor!" Tila isang pelikula lang ako nanonood at si ate Annie blanko pa rin ang mukha niya.
"Hindi ako si Susan." Simpleng sagot ni ate Annie, biglang napahiwalay si Liu sa kanya at mukhang tinitigan siya,
Hinila namin si ate Annie papalayo sa kay Liu at tuluyan kaming tumakbo papalayo sa kanya. Naramdaman kong nahihilo na 'ko na parang mawawalan ako ng malay, sa pagkakaalala ko pala, malaki ang sugat sa leeg ko. Tiyak pati ang ugat dito ay natamaan na din.
Ramdam ko na lang na hinimatay ako at may sumalo sa 'kin.
sino si Susan?
BINABASA MO ANG
A life with Jeff (COMPLETED)
HumorLeila Wilkins a fifteen year-old is an only child of her family. Hindi naman siya nagiging spoiled brat sa pagpalaki sa kanya, she never experienced love. Her parents love her pero hindi iyon ang hinahanap niyang pagmamahal. Ang hinahanap niya, ay a...