22~ Carolyn

790 66 14
                                    

Naiwan lang ako rito, nakaupo at umiiyak. Ang sakit naman no’n, sana noon pa niya sinabi para ‘di na ako umasa pa. Para ‘di na ako masaktan pa, pero ‘di pwede. Kailangan ko siyang komprontahin, bahala na! Handa akong gawin ang lahat para mahalin niya ako. Tumayo ako at kinuha ko ang kutsilyo sa sahig at haharapin ko siya, haharapin ko si Jeff.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Wala akong pakialam sa suot ko, nakapaa lang ako, naka bedroom outfit ang dungis kong tingnan pero kailangan ko siyang habulin. Alam ko rin kung saan siya tumatambay ngayon. Tumakbo ako papuntang playground, kung wala siya roon, malamang doon sa abandonadong bahay nila. Kahit nakakatakot, wala akong pakialam.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari mga nagdaang oras man lang. Nawala si Ate Annie, si Liu namatay at pati na rin si Mama. Gusto niya talagang pumatay ng tao. Bigla nandilim ang paningin ko, at nasa playground na pala ako. May mga batang naglalaro na tila nag-e-enjoy sa kanilang picnic sa playground. Tiningnan ko lang sila habang naghahabulan. Natumba ang isang batang babaeng maliit at napilayan siya, bigla siyang umiyak. Tiningnan ko ang paligid kung kasama niya ang magulang niya. Nilapitan ko siya habang ang mga kalaro niya ay binu-bully siya. Papalapit na ako nang nagsialisan ang ibang mga bata.

“Shh, tahan na.” Ti-nap ko ang ulo niya para matahimik siya. Humikbi siya, tingin ko wala siyang kasamang magulang. Mistulang nag-iisa lamang siya rito. Bigla siyang tumahan sa pag-iyak at pinunasan ko ang kanyang pisngi.

“Ano’ng pangalan mo, bata?” Yumuko siya at kinusot-kusot niya ang damit niya. Matagal na katahimikan ang dumaan bago siya makapagsalita.

“C-Carolyn po,” Pinatayo ko siya at naglakad kami papuntang swing. Tahimik lang naman siya, parang ako rin pala ‘to no’ng bata. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko noon. Tahimik, at minsan na ring na-bully ng mga kalaro. Dumaan ang masariwang hangin sa playground at tiningnan ko naman si Carolyn. Nakayuko lang siya na parang may iniisip. Sa tantiya ko, mga apat na taong gulang pa lamang siya.

“Nasa’n mga magulang mo?” Suminghot muna siya ng hangin bago magsalita.

“Wala akong magulang,” tumingin siya sa ‘kin. “Pwede po ba kitang tawaging, Mama?” Tiningnan ko naman siya at ngumiti, ginulo ko ang buhok niya at tumayo ako ng swing. Nilapitan ko siya at hinaplos ko ang pisngi niya.

“Oo naman,” ngumiti siya at niyakap niya ako sa saya. Hinagod ko ang likod niya at naramdaman ko ang tuwa sa puso niya.

“Oh, nakahanap na pala ng kakampi si Carol oh!” Dinig ko sa likuran ko, bigla akong napahiwalay kay Carolyn at nilingon ko ang nasa likuran ko. Isang batang mataba at kasama niya ang isang bata ring katamtaman. So sila pala ang bumu-bully sa kanya. Nilapitan ko silang dalawa, tila maangas ang tingin sa ‘kin ng batang mataba kaya hinawakan ko siya sa balikat.

“Tinuturuan ba kayo ng mommy niyo ng tamang asal?” Bumusangot ang mukha niya at tininginan ko naman ang isa niyang kasama na halos magtagpo na ang kanyang mga kilay sa simangot.

“Say sorry to her. Maglalaro kayo tapos aapihin niyo ang isa. Puntahan niyo siya para mag-sorry.” Biglang tumawa ang matabang bata sa ‘kin. Parang inaasar pa niya ako.

“Bakit? Anak mo ba siya? Hahahaha! Sumbungera pala ‘yan eh!” Bigla kong hinablot ang t-shirt niya at tinutukan ko ng kutsilyo.

“Mag-so-sorry ka ba, o papalabasin ko lalamunan mo?” Tinaasan ko siya ng kilay at bigla siyang natakot. Tumango-tango na lang siya at binitawan ko na. Tiningnan ko na rin ng masakit ang isa niyang kasama at naglakad na rin papunta kay Carolyn.

Nilapitan ko sila at dinig ko nga ang paghingi nila ng tawad kay baby Carolyn. Magandang bata kasi, blonde hair, and she have a pair of sparkling amber eyes. Umalis na ang dalawang bata at umupo muli ako sa swing. Ang plano ko sana ay hanapin si Jeff pero, parang ‘di ko siya nakita. Tumayo muli ako upang umalis na.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon