4~ I requested to HIM

1.6K 114 38
                                    

Note: Hey, since Jeff's age in the creepypasta is about 13 or 14 years old, well gawin ko siyang 17 dito, hehe, okay lang ba? Tas si Leila is 15 para cool. HAHA. yun lang!

--

Okay, nakapikit pa rin ako for I thought na, sasaksakin ako ni Jeff. Bigla ko siyang tinulak at tumakbo paakyat sa kwarto ko! Oops wait, nagugutom ako, kinuha ko yung pancake sa mesa at kinuha ko ang bread knife. Oh my, mabagal nga siya maglakad sa direksyon ko, pero naka killer look siya sa ‘kin!

“K-kain ka m-muna oh,” nauutal ako, ayokong tumingin sa mata niyaaa! Katakot talaga, papalapit at papalapit na siya. Bigla kong tinakbo ang pancake sa kwarto ko, nang biglang nadulas ako!!

Oh my gosh! Akala ko malalaglag na ‘ko sa stairs buti sinalo niya ako! Nangingibabaw pa rin ang kaba ko, as in!!! Papatayin na niya ako!!

“Please,” pagmamakaawa ko sa kanya, iniangat na niya ang kutsilyo niya. Nanlaki na lang ang mata ko, dahil papalapit nang papalapit na mapunta sa dibdib ko.

“Just go to sleep,” agad na akong napapikit sa katapusan ng buhay ko ng biglang may nag beep sa phone ko.

“Wait, Jeff. Okay? Takte ka talaga! Gago!” Nagawa ko pa siyang murahin sa lagay naming ‘yon. Binasa ko ang text at si mama lang pala, sabi... PAUWI NA SILAAA!!! Kailangan ko naman itago ‘tong si Jeff, ayokong makita siya nina mama at papa, lalo na si papa, baka i-shoot to kill niya si Jeff... Did I sound concerned?! Hell no!~ kasi ano! Ahh, basta!

“Halika,” hinila ko siya sa kanyang hoodie na old navy, langya! Sosyal na serial killer ‘to, naka old navy pa na jacket. Baka levi’s ‘yong jeans niya? Eh~ basta ! Itago ko na muna ‘tong si Jeff

“Itatago mo naman ako sa kwarto mo? Paano ako makapatay ng tao!” Sigaw niya sa ‘kin. Meron rin siyang utak niyog, tsk! Bwisit.

“Diyan ka lang, okay? Don’t go out, or else you will GO TO HELL!” Go to sleep sa kanya eh, eh ‘di go to hell ‘yong sa ‘kin. Tahimik lang siya at pinahiram ko siya ng aking nintendo 65 para maglaro ng kung anu-ano diyan,

“Oh ano’ng gawin ko dito?” Tanong niya, habang hawak hawak ang nintendo ko, haaay naku! Napaka-slow nga naman nito! Napakamot na lang ako ng ulo.

“Laruin mo! Meron ako diyang, pokemon black at silver, bahala ka! Maglaro ka muna, dalhan kita dito ng pagkain mamaya. Naintindihan mo ba ako?” Tumingin na lang siya sa akin na nakangiti, as is, ngiting plastered na nga. Tumango na siya, ayun!

Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, hindi pa naman ako marunong magluto pero siguro okay na ‘tong cheerios at lagyan ko ng gatas, cereal killer ako eh! Samantala ang kasama ko, SERIAL KILLER!

Nakain na lang ako, dahil kanina pa nga ako gutom, naku kung hindi lang ako pinagbabantaang patayin ng Jeff na ‘yon siguro kanina pa ako busog. Ang gulo-gulo niya eh, ginulo niya buhay ko. Now, this is the feeling of a life with a killer. Nakakatense at frustrate.

Napansin ko lang, ilang beses na niya ako pinagtangkaan pero hindi pa rin niya tinutuloy. ‘Di kaya, may gusto si Jeff sa ‘kin? Oops sa pagkakaalam ko, ang mga killer na kagaya niya, ay mga walang puso! Oo walang puso! Walang konsensya!

Biglang may tumawag sa phone ko, sina mama na nga dumating na.

“Honey, are you okay? Open the door please.” Sabi niya sa kabilang linya na parang nanginginig siya sa takot, ‘di kaya tumalon si Jeff sa kwarto ko? Agad na akong lumabas at pinapasok ko si mama at papa, si mama namumutla samantalang si papa naman ay agad akong niyakap.

“Salamat at ligtas ka, anak.” Sabi ni papa sa ‘kin sabay hagod sa likod ko. Worried sila kasi nga tinawagan ko si mama kanina habang si Jeff naman ay hina-hunt ako.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon