15~ Savior

969 74 14
                                    

Minulat ko mga mata ko. Nasa’n ako? Inilibot ko ang paningin ko, balak kong tumayo ngunit nakatali ang paa’t kamay ko. Hindi, nasa—nasa bodega ako! Balak kong sumigaw kaso lang natakpan ng duct tape ang bibig ko. Lumingon ako sa kaliwa, may lalaking nakatulog, isang matabang lalaki—teka, naalala ko na ang mukha niya, siya ‘yong nasa van! Tatlo sila, to be exact. Bakit parati na lang ako napapahamak?! Bakit naging ganito ka miserable ang buhay ko simula nang dumating si Jeff?! Peste, gago din ‘yon eh, nakikipaglandian sa Ninang malandi na ‘yon.

Balak kong kalasin ang tali sa kamay ko kaso hindi ko magawa, napaka-higpit ng pagkakatali dito. Peste, pag ako nakawala dito, mapapatay ko talaga ang tatlong lalaking to. Nakita ko sa tapat ko ang lata ng coke, aba’t paiinumin pa nila ako, humugot ako ng pwersa at isinipa iyon at natamaan ang nakatulog na matabang lalaki. Bigla siyang nagising, at kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa direksyon ko—patay! Galit, na yata, ‘to.

Padabog siyang lumapit sa ‘kin at hinila ang buhok ko. Buong pwersa niyang hinila ang buhok ko, pakiramdam ko matatanggal ang anit ko sa pagkakahila niya, peste! Bigla niyang tinanggal ang duct tape na nakakabit sa bibig ko.

“Ang tigas talaga ng ulo mo babae! Nasa’n si Jeffrey Woods?” Kumunot ang noo ko nang bigla niyang hinanap sa ‘kin si Jeff. Bakit naman niya hanapin sa ‘kin si Jeff? Nanay niya ako? Leche, tiningnan ko siya ng masakit and I spit on him.

“Bakit mo sa ‘kin hinahanap ang hayop na ‘yon? Bakit, nanay ba niya ako?” He gritted his teeth at lalong nilakasan niya ang paghila sa buhok ko.

“AHHHH! HOLY FUCK!” Sinipa ko siya sa kanyang hinaharap at napaluhod siya sa sakit. Medyo lumuwag ang tali sa kamay ko kaya dinahan-dahan kong kalasin iyon hanggang sa natanggal na. Balak pa sanang tumayo ng lalaki pero sinipa ko muli ang pagkalalaki niya. Wala akong pakialam kung mataba siya, dali-dali kong kinalas ang tali na nasa paa ko. Nakatayo na ako, at tatakbo na sana nang tumayo ang mataba, at hinampas ko na siya ng upuan. Final, nawalan na siya ng malay.

Tatakbo na ako palabas ng bigla akong hinampas ng makapal na paddle. Nadapa ako ng di oras at naramdaman ko ang dugo na dumaloy sa leeg ko. Nasugatan pa ang ulo ko. Pilit kong gumapang para makatas dito sa nakakatakot na bodega pero pinalo naman ako ulit sa likod. Napahalik na tuloy ako sa semento. Huminga ako ng malalim, ito na yata ang katapusan ko.

“Ano, tatakas ka pa?” Iniangat ko ang mukha ko sa lalaki, naka skinny jeans siya at nakapolo na checkered. Kasing edad niya si Jeff. At ang nasa kaliwa niya ay isang cute na lalaki, medyo mapayat ito. Tiningnan ko sila ng masakit.

“Ano’ng kailangan niyo sa ‘kin?” Ramdam ko ang likidong dumaloy sa pisngi ko, umiyak na pala ako. Pinalo-palo pa niya ang paddle sa kanyang mga palad.

“Ikaw, ikaw ang kailangan ko. Para matapos ko na si Jeff Woods.” He smirked, I glare at him. Miserable na talaga ang buhay ko simula nang dumating ang bwisit na Jeff na ‘yon. Ilang mga killer pa ang madadaanan ko?! Marami-rami pa siguro.

“Ba’t di si Jeff ang kinidnap niyo? Bakit ako pa?” Pinalo na naman niya ang pisngi ko. Para lang akong kakatayin na baboy sa paningin nila ah. Sila siguro makakatapos sa buhay ko. Nalasahan ko na ang sarili kong dugo na dumadaloy sa bibig ko. Ayoko na, kung mamamatay man ako ngayon, sana tinapos na nila agad ako. Hindi na, pinapahirapan pa ako. Handa naman ako eh, dahil… dahil—hindi ako gusto ni Jeff. Nagpakatanga na ako dahil sa gagong ‘yon.

“Ano, Leila Wilkins, tingin mo ‘di ka namin kilala, ano?” Nag-smirk siya at tiningnan ko lang siya ng masama. Napaubo na lang ako, at dugo na nga ang lumabas.

“T-Tapusin n-niyo na a-ako,” nagtinginan pa sila ng kasamahan niya at tumango silang dalawa. Bumaling muli ang tingin ng lalaki sa ‘kin. At hinablot pa ang damit ko, talaga lang ha? Tss, nasaktan na nga ako emotionally, nasakatan pa ako physically. Ano na lang ba ang kulang? Death?

Inilabas niya ang Swiss knife niya at nilalaro-laro pa niya. Pinatihaya niya ako dahil ‘di ko na ma-kontrol ang katawan ko, pakiramdam ko… katapusan ko na nga. Takte. Tumingin siya sa ‘kin, at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at binulungan ako,

“Rest in peace.” Inangat niya ang kutsilyo at napapikit na lang ako ng biglang may kumalabog sa bubong at lumabas siya. Sinaksak niya ang lalaking nagtangkang magsaksak sa ‘kin pero sinuntok siya ng isa, ‘yong cute. Napatumba siya, pero tingin ko, hindi siya nasasaktan. Sinaksak niya sa leeg ‘yong cute at napatumba at nangisay sa sahig. Biglang nagkamalay ang mataba na kanina ko lang hinampas at akmang papaluin niya si Jeff nang sinaksak niya iyon sa mata.

Nataranta ang lalaking pero naabot siya ni Jeff at sinaksak sa likod, lalamunan at sa mata. Tinanggal niya ang eyeballs niya at pati na ‘yong leeg niya, binuksan niya iyon pati ang katawan niya. Nahihingal na lang ako, at pakiramdam ko, nandidilim na ang paningin ko. Pilit ko na lang nilabanan ang sarili ko—pero, pero siya lang naman ang dahilan kung bakit parati akong napahamak.

“Mamatay pa kayo lalo sa impyerno, Troy, Keith at Randy.” So sila ang mga bullies, what the heck. Sana imagination ko na lang ‘to, kasi pakiramdam ko, pumasok lang talaga ako sa kwento ni Jeff. Pakiramdam ko, pumasok ako sa mundo ng creepypasta. Nilalabanan ko pa ang sarili ko kahit na bibigay na.

Bigla ko na lang naramdaman na binuhat niya ako, ‘di na ako makapalag dahil wala ng lakas  ang katawan ko. Hindi ko siya kayang hawakan, hindi ko siya kayang tingnan. Pakiramdam ko, nawawasak lalo ang puso ko t’wing maalala ko ‘yong halikang naganap sa kanilang dalawa ni Nina the malandi. Di na nga kinaya ng katawan ko at tuluyan nang nag shut down ang system ko.

***

Nagising na lamang ako, nasa loob na ako ng ospital. Nasa loob ako ng ward, lumingon ako sa bandang kanan ko, nakita ko si Ate Annie, pakiramdam ko nangyari na rin ‘to dati. Pero iba naman ‘yon, sinasak ako ni Liu no’n. Huminga ako ng malalim, paanong—si Ate Annie nandito? Si—si Jeff ‘yong nakita kong naglitas sa akin kanina, baka naman siguro nagmamalik mata lang ako. Siya na lang kasi ang parati kong iniisip eh, pero puta isa siyang gago! Sinaktan niya ako, hindi pa rin iyon mawawala sa isip ko ang lahat ng nakita ko no’n sa playground na ‘yon. Sariwa pa rin ‘yon sa isip ko, ang ginawa nilang dalawa.

Biglang tumingin sa ‘kin si Ate Annie at nilapitan ako. Bigla ko naman siyang niyakap, at humagulhol ng iyak.

“Ate, he hurt me. He hurt me,” umiling-iling pa ako, at hinagod-hagod na lamang ni Ate Annie ang likod ko.

“Shhh, what important here is, you’re safe. He saved you, Leila. Hindi ka niya sinaktan.” Bigla akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at umiling muli. Hindi, nakita ko ‘yon eh. I saw it with my naked eyes, that he kissed Nina the malandi. He kissed that stupid whore.

“Hindi mo kasi alam, na—nakita ko siyang may kahalikang babae,” kumunot ang noo ni Ate Annie sa ‘kin.

“What? Who’s that girl?” Hinawakan ko na lang dibdib ko at umiling na lang kay Ate Annie. ‘Wag ko na nga lang sabihin it’s because they are killers. They kill people, they are suspicious, dangerous, cruel kung ano pang adjectives na masasama gano’n sila.

“Forget about it, Ate.” Tumalikod na lang ako sa kanya at nagkumot. Patuloy pa rin na dumadaloy ang luha ko sa pisngi ko. Tila isa lang rumaragasang talon ang luha ko dahil tuloy-tuloy na pagtulo nito. Pero ang sakit pa rin eh, sanay na ako na nililigtas niya ako, pero—naalala ko pa rin ‘yon sa t’wing makita ko siya eh. Mas maigi siguro kung

— Lalayuan ko na siya.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon