8~ A sign again

1.1K 92 33
                                    

Note: hehe epal lang, ganda ko eh! btw ang Jeff The Killer na pinost ko dito ay hindi iyon update! Bale, kwento ni Jeff The Killer 'yon, (one of my favorite creepypasta! HAHA)  Again po, sorry for my typos at siyempre sabaw muna na update para sa inyo!

---

Gumising na ako dahil umaga na-- TEKA! Tinanghali na ako ng gising! Bumangon na ako, at oo, wala na nga si Jeff sa tabi ko. Alam ko naman na umaalis 'yon pag mga alas tres. Para pumatay ng mga inosente. Hindi ko na yata siya mababago.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na papunta ng dining area. Nakita ko sina mama at papa, kumakain. So hindi na pala nila ako hihintayin pag kakain?!

"Oh, tinanghali ka yata ng gising," seryosong sabi ni papa sa 'kin. 'Di ko na lang iyon pinansin dahil kakagising ko lang. Umupo na ako sa at kumuha ng kanin at ulam. Humikab pa ako sa harap ng hapagkainan.

Tiningnan lang nila ako ng seryoso, at dinedma ko na lang sila.

"Leila, nagpupuyat ka ba? Bakit tanghali ka na gumigising?" Mahinahong tanong ni mama sa 'kin. Sinubo ko muna ang pagkain at uminom ng tubig bago ko siya sinagot.

"Wala, none of your business. Akyat na 'ko." Walang ganang sagot ko sa kanya at tumayo na ng hapagkainan. Umakyat muli ako papuntang kwarto at ni-lock iyon, okay bahala sila diyan. Sila ang lumipat at gusto ko dito lang ako.

Okay na sana eh, kaso lang gusto pa nilang lumipat ng tirahan. I can say oo, nandito parati si Jeff sa kwarto ko, but I'm feeling safe around him. Humiga muli ako sa kama at napansin kong may nakasulat sa dingding ko, 'Sweet Dreams' oo nakasulat gamit ang dugo na naman.

Napangiti ako do'n, buti 'di pinasok ni mama ang kwarto ko, dahil kung hindi--hindi ko lang alam ang mangyayari.

"Leila, alis muna kami ha," dinig kong sabi ni mama. Parati naman silang ganyan eh, parati na lang ako nag-iisa.Dapat 'wag na lang nila ako isama sa paglipat nila. Gumawa na lang sila ng bagong Leila, basta dito lang ako.

Dumungaw ako sa bintana. Tahimik, walang katao-taong lugar, may naliligaw nga minsan pero namamatay naman. Umiling na lang ako at in-on ko ang macbook ko para basahin ang kwento ni Jeff.

Sa hinaba haba-- so may kapatid siyang lalaki, si Liu. Mahal niya siguro ito, hmm... Bunso niya ba ito ? O kuya niya? Wala kasing nakasaad kung sino ang mas matanda sa kanila, ang ginawa ni Liu ay inako niya ang ginawa ni Jeff sa tatlong batang nagbully sa kanya. Bumuntong hininga ako,

At no'ng celebration ng birthday party ng kapitbahay nila, kaya pala siya pumuti dahil sa alcohol na binuhos sa kanya, at meron pa iyong bleach content. Kaya siya pumuti.

Hanggang sa nabasa ko ang pinakadulo ng kwento niya, baka na-defect 'yung utak niya or na-trauma siya sa ginawa ng tatlo sa kanya kaya bigla siyang nagandahan sa kanyang mukha. At kaya siya siguro pumapatay ng mga inosenteng tao, dahil nagsinungaling ang mommy niya sa kanya. At kawawang kapatid niya ay nadamay na rin.

Nakakalungkot naman ang nangyari sa kanya, at grabe naman ang ginawa niya sa pamilya niya, siguro meron siyang psychological disorder kaya siya nagkagano'n. Pero bakit hindi na ako natatakot sa kanya?

Bumaba ako para pumunta ng park para mag-refresh ng sarili. Ayoko mag stay sa bahay, baka mabaliw rin ako. Ilang minuto ay nakarating na ako medyo malapit naman ang park dito. 'Yon lang, konti ng mga tao.

Gusto ko ng hanggang ganito lang kasimple ang buhay ko, walang sagabal at walang problema, pero...pero...

"Miss, hold up 'to!" Dinig ko sa lalaking nasalikod ko, tinutukan niya ako ng kutsilyo.

"Pakialam ko?" Binara ko siya, para akong matatawa dito, my god! Pero natatakot na ako.

"Bigay mo sa 'kin pera mo, dahil kung hindi mapapatay kita!" Huminga ako ng malalim,

"Paano kung wala akong dalang pera? May pera ka naman siguro diyan, pwede libre mo na lang ako, maghohold up rin sana ako eh, kaso ako pa napagtrip-an mo!" Dinig ko ang pagbuga niya ng hangin at feeling ko, nagalit ko yata siya?

"Bibilang ako ng tatlo, paghindi mo nabigay pera mo, mapapatay kita!" huminga ako muli ng malalim, kasinlalim ng balon.

"Ano 'yon? Tagu-taguan?" Lumingon ako sa kanya, at... at... ang mukha niya nakakatakot!!!! GALIT NA NGA SIYA TO THE NTH LEVEEEEL!!!!

"Isa..." Agad niyang tinutok ang kutsilyo niya sa leeg ko, at niyakap niya ako ng mahigpit! Eeew! Gross, kadiri siya !! Manyak!

"Dalawa," hindi na ako nakapagsalita, as in natatakot na ako! Tumayo na balahibo ko sa takooot!! No, please... PLEASE!!

"You asshole! Just go to sleep!" Nanlaki mata ko at biglang lumuwag ang pagkayakap ng lalaki sa akin at agad siyang natumba, nilingon ko ay nagulat ako!

Pinagsasaksak niya naman ang hold-up-er sa leeg at sumirit ang dugo nito! As usual, brutal siya talagang pumatay, nakakatakot! Pinutol niya ang ulo ng lalaki at ang kanang kamay nito at tinapon sa malayo. Napatakip na lang ako ng bibig dahil 'di nakayanan ng sikmura ko, dumuwal ako at nagsuka! Peste! Napaka-gore!

"Peste! Nakakasuka ang ginawa mo diyan! Pero nagtataka ako ha, bakit sa tuwing nasa panganib ang buhay ko, parati kang sumusulpot? Gusto mo 'ko 'no?!" Pagkompronta ko sa kanya, medyo namula ako ng konti. Dahil nahiya ako sa tanong ko sa kanya.

"Bumalik ka na sa bahay niyo." 'Yan ang sabi niya. Asan ang sagot sa tanong ko? Seriously? Bastusan?

Naglakad na siya palayo ng balak ko siyang habulin. Ang bilis niya kasing maglakad eh!

"Wait Jeff," sabi ko, at hiningal ako sa paghabol sa kanya. Nakatalikod pa rin siya at hawak hawak ang kutsilyo niyang punong puno ng dugo. Pati nga rin ako, may dugo dahil natalsikan ako ng dugo ng lalaki kanina.

Nakita kong bumuntong hininga siya, pero hindi pa rin siya lumingon!

"Long time no see, Jeff."

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon