3~ He is a killer

1.7K 117 39
                                    

Tapos na akong este, kami pala ni Jeff magligpit ng kalat sa kwarto ko, thank God at ‘di niya ako tinuluyang patayin. As in noooo! Ayaw ko pa ‘no, mag-asawa muna ako’t magkaanak bago ako mamatay. Okay, since maayos na ang kwarto ko, si Jeff naman ay panay hawak ng kanyang kutsilyo, peste! Nakakatakot talaga ‘tong lalaking ‘to!

“Kelan mo pa ba ‘yan bibitawan?” Hindi ako mapakali sa kanya kaya tinanong ko na lang. Malay mo baka masaksak ka nito and he will rip your throat! Sheet ayokong mangyari sa'kin na gano’n. I’m scared as hell.

“Kung kelan ko mauubos ang mga tao.” Utak killer nga naman, sana hindi ako ang isusunod niya. Biglang mag beep ang phone ko, naku! Si mama tumawag. Dumistansya muna ako kay Jeff at sinagot ko ang tawag ni mama.

“Ma,” sabi ko sa kabilang linya, at halatang halata na sobrang ingay sa kabilang linya halos mabasag ang eardrum ko! Saan ba si mama?!

“Leila, I’m sorry kung medyo maingay dito, may paparty kasi dito. Baka gabihan pa kaming umuwi ng papa mo. Nga pala, ‘wag kang magpapasok ng mga strangers diyan ha? Lalo na ‘yong serial killer na nabalita.” Pag-alala ni mama sa ‘kin. Eh pa'no ako mag-iingat? Eh hawak-hawak na nga ni Jeff ang buhay ko to the nth level!

“Okay ma, maglalock ako dito. Tawag ka na lang ulit pag nandito na kayo.” sabi ko at binaba na ni mama ang tawag. Bumuntong hininga ako do’n at paglingon ko... WALA NA SI JEFF!!

Dumungaw ako sa bintana, wala siya, wala akong nakitang bakas niya, oh my! Natatakot ako baka patayin niya ang mama ko! ‘Wag naman sana! Nilibot ko paningin ko sa lugar namin ngunit wala akong makitang Jeff.

Tumalikod na ‘ko ng biglang may tumamang mansanas sa ulo ko, peste ! Kumalog ako do’n ah? Habang hawak-hawak ko ang ulo ko, ay natanaw ko si Jeff na nasa puno. Aba at teka? Ang bilis niya naman ?!

“Hoy! Bumaba ka diyan, hayop ka! Bumukol ‘yong ulo ko!” Para lang siyang bingi na nakatingin sa ‘kin, with plastered smile on his face. Kaloka!

Bumaba ako ng bahay upang sugurin ‘yang si Jeff. Maghanap rin ako ng ibabato sa kanya. Nagdampot ako ng mga bato sa garden ni mama. Maliliit lang naman, I’m sure bubukol din ang ulo ng killer na ‘to.

Pero epic fail ako sa pagbabato sa kanya, kasi hindi ko maabot. Peste kasi ang liit liit ko!

“HOY JEFF! BABA KA DIYAN, PAG IKAW MAKITA NG PULIS HA,” sigaw ko, biglang may kumalabit sa 'kin. Napalingon ako,

“Hi, saan papuntang…umm…ummm,” sabi ni ateng maganda habang nilalaro-laro niya kamay niya. Maganda si ate ha,

“H-hi? Naligaw ka po?” Tanong ko kay ateng nakaputing t-shirt at naka-shorts ng maikli, at naka-sneakers. Yung buhok niya ay lagpas balikat na kulay brown. Yung mata niya ay maganda, hazel.

“Go to sleep.” Biglang bulong ni Jeff at agad sinaksak si ateng maganda, hindi pa siya kontento he ripped out her throat. Napako lang ako sa kinatatayuan ko, ilang beses niyang sinaksak ang babae, at itinapon niya sa kalsada ang bangkay nito. Poor girl. Ang ganda niya sana.

Tiningnan ko nalang si Jeff. Still a Jeff, maraming dugo ang kamay niya and still he looks so inhuman. Tinitigan ko nalang siya. Pero abot langit ang kaba ko, hindi ko nalang pinapahalata. Tumalikod na siya sa 'kin.

“Hindi ka ba natatakot sa ‘kin?” Seryosong tanong niya na siyang nagpaakyat ng takot ko. Nakatayo pa rin ako, hindi ako makagalaw,

“Sumagot ka, Leila. Aren’t you afraid of me?” Promise, nanginginig ang buong kalamnan ko, and I think I’m going to be the next. No,

“H-hindi ako takot sa ‘yo.” Nauutal na sagot ko, nakatalikod pa rin siya at hawak-hawak niya ang kutsilyong puno ng dugo.

“Are you sure of that? Better save your life, now.” Sabi niya at tumakbo ako papasok ng bahay. Shit, kinilabutan ako sobra sa sinabi niya. Dumiretso ako ng kwarto ko, at ni-lock ko ang lahat, pintuan, bintana, lahat.

“Hindi ka ba nabigla?” What the hell? Kanina, nasa labas lang siya, bakit ang bilis bilis niya.

“Mahal ko pa ang buhay ko Jeff. Umalis ka na, tatawag ako ng pulis,” nanginginig na ang boses ko at tagaktak na ang pawis ko. Ano pa ba kailangan niya? Ako ba ang pang trentang bibiktimahin niya?!

“Nandito lang naman ako para kunin ang damit ko. Loser.” Nag-smirk pa siya at nagtungo sa banyo. Grabeee! Kinabahan ako do’n akala ko, katapusan ko na. Pero ang bilis niya, nakakatakot pa rin siya.

“Pagkatapos nito umalis ka na,” seryoso kong sabi sa kanya, still my organs are shaking as hell, and it gives chill to my spine. Napapa-english na ako sa takot dito.

“Hindi ako aalis, papatayin muna kita.” Back to baseball bat versus knife na naman kami. Bwisit! Mahal ko pa buhay kooo!!

“Sige, subukan mo kong patayin, wawasakin ko bungo mo,” nanginginig na naman ang baseball bat na hawak ko. Pesteeeee!!!!

Paikot-ikot kaming dalawa sa couch ng kwarto ko, ano ba ang makukuha nito sa pagpatay ng mga inosenteng tao?! May nobel prize ba siyang matatanggap?!

“Gutom ka lang siguro ‘no? Tara sa baba.” Sabi ko, pero walang effect sa kanya, ano na gagawin ko!!! Ayoko pang mamatay!

“Go to sleep you mother fucker!” Halaaa nagmura na siya, which means... katapusan ko naaaaaaa!!!

“You must go to hell first!” Sabi ko, nagtutukan lang naman kami ng hawak naming armas at paikot-ikot sa couch na parang mga tanga.

“Go to sleep!”

“Go to hell!” ganti ko sa bwisit na ‘to.

“Gusto mo talang mamatay ‘no?” Ayoko ma, tumakbo na ako pababa, at tumungo ako ng basement. Nakakatakot!

“Leila,” Bulong niya naririnig ko, hindi niya ako makita dahil nasa basement ako. Maliwanag pa naman ang basement kaya nakahinga ako ngaluwag.

Katahimikan...

Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay,mahirap nang matunton ako ni Jeff, at... Sina mama at papa pa pala! Hindi! Ayoko silang mamatay!

Biglang nag ring cellphone ko, pataaay! Si mama, tumawag. Sasagutin o sasagutin?! Hell~

“Ma, ‘wag kayong pumasok ng bahay, nandito yung killer nasa basement ako ngayon. Please, ‘wag kayong pumasok. babye love you.” Bulong ko, sana maintindihan ‘yon ni mama. Sana hindi sila makapasok,

Inhale, exhale... Contract, relax... Biglang may bumaong kutsilyo sa pintuan ng basement. Patay, maghanap na ako ng tataguan dito!

Pumunta ako sa likod ng sofa na nasa basement. Sana hindi ako makita ni Jeff! I’m shaking as hell! Napapa-english na ‘ko! Ayoko, ayokong mamataaaaay!!!

Pilit kong hinawakan bibig ko para ‘di ako marinig ni Jeff, para ‘di niya marinig ang paghinga ko. Inhale, exhale. Maya maya pa ay tahimik na naman, pero parang may napansin akong isang amoy na parang bulok? Ang weird baka patay na daga lang.

“Haaah, haaaah,” Teka! Isang humihingal na tao ‘yon ah? Ibig sabihin, hindi lang ako nag-iisa sa basement? Umakyat na takot ko papunta sa tip ng buhok ko! Ano ba ‘yan!

In-on ko ang flashlight para mailawan ko ang sulok, meron akong nakitang ‘di kaaya-aya,

“Aaaaaahhhhhh!” Sigaw ko ng bigla akong habuling ng isang nilalang na hindi ko maexplain, parang tao na durog ‘yung mukha. Agad kong binuksan ang pintuan ng basement at malapit na akong abutan ng durog na tao na naglalakad!

Bumungad naman sa harapan ko si Jeff at napayakap ako sa kanya ng ‘di oras. Oo! Napayakap ako sa killer. Bigla niyang sinaksak ang taong durog na naglalakad at isinara ang pintuan ng basement.

“Salamat,” hingal na hingal na sabi ko. Nakayakap pa rin ako, then I realized, PAPATAYIN PALA AKO NITO!!!!

“Matulog ka na!”

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon