23~ Awkward Moments

826 65 21
                                    

Napatigil naman ako roon sa sinabi niya. Aba, ako ba’y inuuto niya? Tsk, sinabi niya no’ng nakaraan na mahal niya ang pumatay ng tao tapos ngayon, kung anu-ano na naman ang pinagsasabi. Sumimangot ako sa kanya at kinarga ko naman si Carolyn. Nagkatitigan kaming dalawa ni Jeff ng ilang mga minuto. Silence na naman, an awkward silence.

“Ako ba’y niloloko mo, Jeff?” Umiwas ako ng tingin sa kanya. Napayakap naman sa ‘kin si Carolyn at hinagod ko ang likod niya.

“Stay away from that kid, Leila. For me, please.” Tiningnan ko siya at inirapan. Ang kitid ng utak niya! Napaka-childish. Anong gusto niya gawin ko sa batang ‘to? Iwanan, kainis siya ah, suminghot ako ng hangin at tumingin muli sa kanya. Ehh—bakit kasi napaka-ma-appeal sa ‘kin? Pakiramdam ko tuloy, nangangatog ako.

“Paano kung, ayoko?” Tinaasan ko siya ng kilay. Pasimple siyang ngumisi at inilabas niya ang kanyang kutsilyo. Nilabasan ko rin siya ng kutsilyo ko, at mukha siyang nabigla.

Tiningnan ko siya ng masama, at ibinaba niya na lang ang kutsilyo niya. Ngumisi naman ako at binalik ko muli ang kutsilyo sa gilid ko. Heto na naman kami sa awkward moments na dalawa. Bakit ko ba siya nagustuhan? Eh sa mukha niyang ‘yan na daig pa ang taong grasa sa dungis. Dahil siguro ‘to sa pagiging mabuti niya sa ‘kin.

“Kung ayaw mo, patayi—” nilabas ko muli ang kutsilyo at tinutukan ko siya. Napatigil na lamang siya. Ha! Buti naman at takot na siya sa ‘kin.

“Gaya ng sinabi ko, walang kinalaman ang bata rito.” Biglang kumunot ang noo niya at hinila niya ako paalis sa gubat na ‘to. Okay, walang preno-prenong paghila niya sa ‘kin. Tila humihila lang siya ng maleta ah? Pero— ‘di ko alam kung bakit parang nakukuryente ako sa tuwing hinahawakan niya kamay ko? Parang may—spark?

Umiling na lang ako at napansin iyon ng bata.

“Mama, you okay? Sino po bang monster na ‘yan?” Mahinahong tanong ni Carolyn na siyang ikinatigil ng paglalakad ni Jeff. Humarap siya sa ‘min at tinignan niya ng masama si Carolyn. Umiyak na naman ang bata. Nilapitan niya ito at hinawakan niya ang pisngi ni Carolyn.

“What did you say, little beast?” Hindi na makapagsalita si Carolyn, humikbi na lamang siya. Ngumisi si Jeff at tumawa ng isang nakakatakot na siyang nagpaiyak lalo kay Carolyn. Hinampas ko naman siya sa balikat. Gago talaga ‘tong lalaking ‘to, hilig pinapaiyak si Carolyn.

“Ano ba?! Isa na lang ah, masasaksak na talaga kita!” Tiningnan ko siya ng masama pero—inilapit niya mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makakakurap, dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. Leche, heto na naman ako umiinit ang pisngi ko. Kainis! Bigla naman siyang ngumisi.

“I know now your weakness,” dahan-dahan niya naman akong hinila na para bang—girlfriend? ‘Yong holding hands while walking? Pero wala namang tao, kami lang. Inubos niya na yata kasi ang mga tao dito eh. Hindi na lang ako umimik sa kanya. Weakness your face, Jeff Woods.

Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupuntang dalawa. Ayoko namang magtanong sa kanya baka bigla naman magwala ito na parang baliw. Ay, baka baliw na nga ‘to eh. Pero kahit baliw siya, mahal ko siya. Napangiti naman ako na parang tanga rito habang naglalakad. Weird feeling, love? Aye, it is.

“Mama, bakit po kayo nakangiti?” Malumanay na tanong ni Carolyn, at nginitian ko siya. “Nothing, Carolyn I remember something.”

Tiningnan ko naman si Jeff at bigla kaming napatigil sa playground. Teka, ba’t parang ang layo ng nilakbay namin? Ay, oo nga galing pala kaming gubat kaya ang layo ng nilakbay namin. Ano ba’ng meron bakit playground ang napili niyang lugar? Napakamot na lang ako ng ulo.

“Jeff, anong gagawin natin dito sa playground?” Kunot-noo kong tanong sa kanya. Umupo lang siya sa bench at yumuko. So—emo moments na naman ‘to? Nakatayo lang ako sa harapan niya at tinitigan siya. Tinitigan ko siya mula sa itim niyang buhok, sa putting hoodie niyang maraming dugo, sa pants niyang kulay itim, at sa sneakers niyang converse. Lumuhod ako upang hawiin ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya. Sa nakita ko sa larawan niya dati, bago pa masira ang mukha niya—ang gwapo niya. Naisip ko rin pala ‘yon? ‘Yong larawang nakita ko lang sa google. Bumuntong hininga lang ako.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon