21~ It hurts

783 63 16
                                    

Tinitigan ko ang kutsilyo na nasa gilid ni Mama. No, bakit—bakit siya may kutsilyo? Don’t tell me, she’s also a—killer! Fuck, wala na akong magawa kundi tumakbo palabas pero nahawakan niya ang buhok ko. Shit, bakit gan’to ang mga taong nakakasalamuha ko? Bakit naging gan’to sila? Nanginginig ako sa takot dahil inilabas niya ang isang kutsilyo, GOD! This is too bad, itinutok niya sa leeg ko iyon. ‘Di na lang ako nakapalag dahil baka mapatay pa niya ako.

“Ma, tell me what’s the meaning of this?!” Nanginginig na tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng isang nakakakilabot na tawa na narinig ko! Hindi ito ang Mama ko, hindi siya ganito! Siniko ko siya pero parang hindi lang siya nakaramdam ng sakit!

“Akala mo, masisiko mo ako ng gano’n na lang, Leila? To be honest with you, ako ang pumatay sa Papa mo! Hahahahaha!!” I clenched my jaw at pilit kong makawala sa kanya, pero ang lakas lakas niya! Pinagpapawisan na ako rito sa takot,

“You are a fucking monster!”

“I am, Leila. I am a monster, hahahaha!” Hinigpitan niya ang pagyakap sa ‘kin sabay diin ng matalim na kutsilyo sa leeg ko. She’s a liar, a monster! Akala ko nandoon siya sa Australia, SINUNGALING! Pvtang-ina! Hawak ko pa rin ang kawali at ang sandok, mukha akong timang dito dahil para lang ako magluluto. Kukuha ako ng buwelo, para makaalis sa Mama ko.

Ay, hindi ko pala ‘to Mama, isa siyang demonyo! Siya pala ‘yong pumatay sa Papa ko. Hayop siya, kaya pala parati silang umaalis siguro kasi—bigla niya akong tinulak!

“I know what you are thinking. Akala mo, ikaw na lang ang palaging masusunod? Kahit anak kita, ‘di mo pa rin makukuha ang gusto mo! Pasalamat ka, mahal ka ng Papa mo, pero nagseselos ako sa ‘yo, Leila! Alam mo kung bakit? Dahil ‘di ko naranasan ang buhay na meron ka. Iba ako dati no’ng hindi ko pa nakilala ang Papa mo. Isa lang akong mahirap—simula no’ng nakilala ko ang Papa mo, akala ko magiging masaya na ako. HINDI PALA! Bakit? Kasi, nabuo ka kaagad, hindi lang yan. Mahal na mahal ka pa ng Papa mo, dahil sa ‘yo lahat ng atensyon ng asawa ko, pinatay ko siya.” Nabitawan ko ang hawak kong kawali at sandok at napayukom ako ng palad. So, sa ‘kin pala ang lahat ng sisi, sa ‘kin lahat. Siguro, sinumpa niya ako no’ng nasa sinapupunan niya pa lang ako. Siguro, sinusumpa niya na maging miserable na ang buhay ko.

“Sinungaling, isa kang sinungaling, Lizette.” Huminga ako ng malalim, at kumawala sa kanya. Ngumiti siya, isang ngiti na nakakaasar.

“Thankful na sana ako dahil naging magulang ko kayong dalawa ni Papa, pero wala kang kwenta—”

“Pasalamat ka, Leila dahil pinanganak pa kita. Ayaw na ayaw ko sanang magkaanak, lalo na at babae. Pero dahil paborito ng Papa mo ang babae, ‘di na lang kita tinuloy. Ngayon, wala na ang Papa mo, ikaw na naman ang isusunod ko.” Lumapit siya sa ‘kin at itinutok niya sa direksyon ko ang kutsilyo.

“Patayin mo muna ako bago mo siya patayin,” boses ni—Jeff, na nasa likuran ni Mama. Napatingin ako sa kanya habang dumadaloy ang luha ko sa pisngi ko. Naupo na lamang ako sa sahig dito sa kusina. Ang pinagtataka ko lang, kung saan dumaan si Jeff. Ah, sa bintana pala palagi ang daanan niya. Lumingon si Mama sa kanya, at ako naman ay naghanap ng matataguan.

Nakita kong umurong si Mama at pakiramdam ko, nagimbal rin siya kay Jeff. As of now, kailangan ko munang maghanap ng matataguan at tatawag na lang ako ng pulis para—ay hindi! Ayokong makulong si Jeff, ayoko. Nagtungo na lang ako sa kabinet sa ilalim ng lababo at doon magtago. Nakapasok na ako at isinara ko iyon. Merong maliit na butas kaya nakikita ko silang dalawa.

Nagtutukan lang sila ng kutsilyo at ako naman ay nanonood dito sa loob ng kabinet.

“Ano, ikaw ba ang palaging pinagpupuyatan ni Leila? Ha! Alam ko na ang baho niyong dalawa, alam ko ang ugnayan niyo. Matagal ka ng hinahanap rito, mas maigi—”

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon