18~ Is this... REAL?

961 73 11
                                    

Teka, totoo ba ‘yong sinabi niya kanina? ‘Yong, I like you thingy? Parang gusto kong sumigaw, parang gusto kong magwala dito ngayon din. As in—teka! Pa’no ako nakapunta na dito sa bahay? Am I dreaming? Kung oo, ano tawag do’n? Night dreaming?! Hmm, nababaliw na nga talaga ako siguro, maniniwala na sana ako eh! Kaso lang—

“Hoy,” bigla naman ako napalundag ng narinig ko ang—si Jeff? Seryoso? Kailan ko ba siya sinama pauwi? At… at… teka? Ano’ng nangyayari sa ‘kin? Eeehhh, baka nga natuluyan na ako? ‘Di naman siguro, nilingon ko naman siya at—siyempre killer face na naman siya with plastered smile ‘no. I rolled my eyes as I crossed my arms on him.

“Sino’ng nagsabi na pupunta ka dito?” Pinantaasan ko siya ng kilay. Aba, porke’t in-allow ko na siya na pumunta dito eh, dapat aabusuhin niya na. Pwede rin, este! Hindi na tama ‘yon, ‘no! He smirks.

“I carry you, ‘cause you passed out lately,” para namang umikot ng mabilis ang mundo ko. Passed out? Seriously, wala akong maalala ah? Nahimatay ba ako? Talaga? Napatutop naman ako ng bibig at tumalikod naman siya sa ‘kin. Palagi niya naman ako tinatalikuran eh.

I like you, be careful. Eeeeh!! Ba’t nag-e-echo na naman ‘yong sinabi niya?! Hindi ko alam kung sinabi nga niya talaga ‘yon o nag-iilusyon lang ako? Ano ba naman ‘to Leila. Humugot na naman ako ng malalim na hininga. Teka, ‘yong puso ko! Heto na naman at titibok-tibok, peste! Ayoko muna mag-assume baka masaktan naman ako, ‘no!

“Jeff,” ngunit ‘di niya ako nilingon . He’s on his way to jump off to the window. Okay, alam ko naman na do’n ‘yong labasan at pasukan niya eh. Pero in fairness, first time niyang dumaan sa front door ng bahay. Tatalon na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kamay niya. Shit! Nanlalamig kamay ko, ewan ko ba kung abnormal ‘to ang nararamdaman ko. ‘Yong tipong, parang may mga paru-parong palipad-lipad sa loob ng tiyan ko? ‘Yong parang nag-contract lahat ng muscles ko sa tiyan ko? ‘Yong parang—kinakabahan ako na ‘di ko alam? Lumingon siya sa ‘kin,

“Umm, totoo ba ‘yong si-sinabi mo kanina?” Bahala na si batman, hindi ko man alam kung totoo ‘yon o hindi pero gusto ko pa rin ma klaro kung sinabi niya iyon, kasi kung—oo, pwede na ako, pwede na akong tumalon dito!

Ilang minuto ang tahimik sa aming dalawa. May dumaan sigurong silence, kaya nagkaganito kami. Walang ni isa sa amin ang nagsalita. Sadiyang nagtitigan lang kami sa loob ng ilang mga minuto. Pero kahit gaano pa katagal ‘yon, handa kong hintayin na sabihin niya na totoo ba ‘yon o hindi.

“Bingi ka ba?” At least he do the first move, well malamig nga lang ang tono niya. Diretsuhin mo na nga ako! Tinitigan ko lang siya, na parang inulit ko lang ang tanong ko na kung totoo ba na sinabi niya iyon. ‘Yong gusto niya rin ako, baka kasi niloloko niya lang ako eh o ‘di kaya, ako lang nag-iisip no’n.

“Isang sagot lang ang kailangan ko, kung—gusto mo rin ako.” Umiwas siya ng tingin sa ‘kin. Ano ba talaga, Jeff! Gusto mo ba ako o gusto mo ako?! Tahimik, tahimik na naman kaming dalawa. Minsan parang gusto ko ring kotongan ‘tong killer na ‘to eh. ‘Di ko alam kung bakit napakagulo ng isip niya, tsk. Naghihintay lang naman ako ng maisasagot niya, oo lang naman o hindi. Mahirap bang sabihin ‘yon?

Kaya siguro gano’n din ‘pag exam, ano? ‘Yong tipong mahirap ang tanong at ‘di mo alam ang sasagutin kaya minsan pinag-iisipan mo pa ang isagot o ‘di kaya i-skip mo na lang. Parang gano’n siguro ang takbo ng utak ni Jeff. Pero maghihintay lang ako, maghihintay lang.

“Jeff, is that true that you like me too?” Tumalikod siya muli sa ‘kin, at huminga ng malalim. Tila nag-iisip pa siya na ewan.

“Maghihintay ako sa sagot mo, kung totoo ba ‘yong sinabi mo o hindi.” Biglang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay niya at hinarap niya ako. Isang matalim na tingin ang pinukol niya sa ‘kin pero hindi na ako natatablan no’n. Sanay na ako sa killer look niyang ‘yon, sanay na ako sa isang killer.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon