19~ First Kiss?

900 74 14
                                    

note: hindi ko po alam kung anong nangyari sa update ko. haha shet naadik na ako sa Game of Thrones eh! haha! o siya, vote and comment naman kayo! para malaman kong may reader ako. :3 

---

Hindi naging matagal ang halik na ‘yon. Bigla siyang humiwalay, at umiwas ng tingin sa ‘kin. Heto ako, nakatitig lang sa kanya ‘di kaya may malalim din na pagtingin ‘tong Jeff na ‘to sa ‘kin? Hindi lang ako makasiguro ha, kasi the way he kissed me lately, feeling ko—merong love?

“Let’s go,” malamig na sabi niya at dumiretso na na hindi lang lumingon sa ‘kin. Well, after a kiss gano’n na lang ‘yon agad? Naku, nag-a-assume na naman ako lalo lang ako masasaktan nito eh! Sumunod na lang ako sa kanya and finally nasa labas na nga kaming dalawa. Grabe nakakatakot lalo dito, ayoko ng ambiance parang pakiramdam ko may mga creatures na nagmamasid sa ‘min.

“Jeff, ihahatid mo ba ako?” Nakatalikod lang siya sa ‘kin na hindi kumikibo. Alam ko naman ‘tong si Jeff, mga ilang siglo pa bago sagutin ako. Tsk, nakakatakot na talaga dito eh. Kung nakakatakot sa loob, mas lalo na sa labas. Hay!

“May sarili kang paa, kaya mo na ‘yan.” Agad na siyang naglakad papuntang gubat. Iniwan niya naman ako dito sa nakakatakot na lugar. Napabuga na lang ako ng hangin at naglakad na rin—teka!? Sa’n ang daan pauwi sa bahay? Hala, baka maligaw ako nito! Dumiretso na lang ako ng lakad baka kasi doon lang sa dulong ‘yon ang bahay may konting liwanag kasi.

Tanga ko naman kanina, kasi eh tinakbo lang naman ako ni Jeff papunta rito tapos—saan nga siya dumaan kanina? Hmm, ano ba ‘yan nakakatamad na mag-isip. Doon na lang ako tutungo sa may liwanag sa dulo. Bumuntong hininga ako habang naglalakad, sana naman wala akong makasalubong na lobo o bampira o kahit anong mga nilalang. Diretso lang ang tingin ko sa liwanag doon. Pero bakit parang ‘di ako sigurado na doon nga ang daan?

“Hay, ano ba naman ‘to. Nagpauto na naman ako sa kiss lang. That fucking kiss, though.” Para akong baliw dito na palakad-lakad habang kinakausap ang sarili. Medyo malapit na ako sa liwanag na iyon, pero parang may—nag-iinuman? Magtanong-tanong na lang kaya ako rito? Hmm, sana naman makatulong sila! Sana.

Dali-dali akong naglakad papunta sa mga nag-iinuman, alam ko kasing naliligaw na ako. Shit, I have to take some rest!

“Kuya, ano’ng lugar ito?” Kinalabit ko ang isa sa mga nag-iinuman. Bigla siyang humarap at tumayo sa kanyang kinauupuan. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, God! Isang malagkit na tingin ang ipinukol niya sa ‘kin. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya. Nakita kong papalapit siya sa ‘kin, agad naman akong umurong. Gosh, alam ko na yata ang mangyayari sa ‘kin? Si Jeff kasi eh! Sabi ko naman sa kanya na ‘wag niya akong iwan doon, kainis! ‘Di ko talaga alam ang daan pabalik sa bahay. Para bang niligaw ako ng isang tikbalang?!

“Parang… ngayon lang kita nakita dito, chicks.” Napalunok ako at umurong muli. Tumayo naman ang mga iba pa niyang kasama. Oh my gosh, natatakot na ako, kinakabahan pa ako lalo! Sana mali itong iniisip ko, alam kong tutulungan ko nila. Pero pakiramdam ko, mali talaga eh! Mali talaga ang kutob ko ngayong gabi.

Papalapit na sila sa ‘kin nang biglang nakabangga ako—nasa pader na ako, wala ng daan para makatakas sa kanilang lima! Shit, kailangan kong iligtas sarili ko. Ang lalaking tinanungan ko kanina ay pinapatunog pa niya ang kanyang mga daliri sa kamay. Yuck, ang dami niyang tattoo, tapos ang laki ng katawan niya tapos ang dugyot niyang tingnan. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero nakita ko naman ang kasama niya na nasa gilid ko, pangit din! Mga mukhang manyak! Huminga na lang ako ng malalim dahil—sobrang lapit na nila sa ‘kin!

“Diyan lang kayo, sisipain ko kayo isa-isa,” nagtinginan silang lima at tumawa ang isa nilang kasama. Maraming balahibo sa katawan, mukhang lobo na naka-drugs! Psh,

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon