Note: Okay, ang kwento kung bakit naging gano'n si Liu, actually I summarized it kasi galing 'yan sa creepypasta story na 'Homicidal Liu' (IDK kung nag-exist ang story niyan. Well anyhow, tinagalog ko lang kasi it was originally written in Spanish, and somebody tranlsated it in English but heck there are a lot of errors, so inintindi ko nalang at 'yon nga I summarized it. :)
p.s. If you want to be dedicated, just comment or tell me! I'm not biting anyone!
----
Kahit malayo ako ngayon sa magkapatid na killer na ‘yon, ay napapaisip pa rin ako kung sino nga ba si Susan? Aso ba siya? Multo? Supernatural Creatures or what? Arrrghh, sumasakit lalo ang leeg ko sa kakaisip kung sino man ‘yon. Teka? Anong connect no’n sa sinabi ko? Wala naman, ‘di ba? Napaupo na lamang ako sa hospital bed at huminga ng malalim, at oo nga naman naramdaman ko ang tahi ko na sumasakit pa rin. Kainis kasi ang Liu Woods na ‘yon!
Ano ba’ng meron kay Susan? Siya ba ang dahilan kung nasiraan ng bait si Liu, at pinagpupunit ang mukha niya—teka! Mali, si Jeff daw may kagagawan at sinisi niya si Jeff. So, that means, he survived under Jeff’s brutality at dinala siya sa hospital. Nah—hindi ko talaga ma gets kung ano’ng meron sa Susan na ‘yan, at bakit nakikita niya kay ate Annie ‘yon. ‘Di kaya, may naganap na reincarnation? Sira ka Leila! Reincarnation is the rebirth of SOUL. Gets? SOUL! Well, hindi naman ‘yon hitsura ang bumabalik pag namatay ang tao, ‘di ba? Paano niya ma prove na si Susan si ate Annie? Aha, may nakikita na akong ideya para matuklasan kung sino nga’ng Susan na ‘yan. Hindi kasi ako mapakali, I simply rub my ankles at tumayo na sa hospital bed.
Kinalabit ko si ate Annie na as usual, tulog. Oo, may nakakabit pang dextrose sa kamay ko. Gusto ko nang tumakas sa mala-hotel na ospital na ‘to ‘no! Ayokong mag-stay dito. Eeeehhh! Nagising na si ate Annie sa pagkakatulog.
“Leila, okay ka na? Nagugutom ka?” Lakas talagang mag-worry si ate Annie sa ‘kin eh. Kinamot ko naman ang ulo niya, at binulongan ko siya. Umalis kasi si mama kanina pa, at ‘di pa bumabalik hanggang—WHAT! Si MAMA!!!
“Ate, we need to get out of here right now! We’re not safe enough here!” Pilit kong magsalita kahit ang boses ko at parang sirang plaka na. Masama talaga ang ginawa sa ‘kin ng Liu na ‘yon, dahil yung trachea ko ay napunit niya. Arrgghh!
“Keep calm Leila, we’re safe here.” Kalmadong sabi niya, kinamot ko naman ang ulo ko kahit wala naman akong kuto dito. ‘Di kasi niya akong maintindihan, okay so di-diretsuhin ko na lang siya. Gusto kong matuklasan kung sino si Susan na kinababaliwan ng kuya ni Jeff. Parang abnormal lang kasi, ano ba’ng klaseng pamilya ang meron sila?! Tss, nakaka-stress.
Tinanggal ko na mga aparato, este ‘yong dextrose lang naman ang nakakabit sa kamay ko. Tinanggal ko na iyon, wooo! Ang ngilo, kainis. Naka hospital dress pa ‘ko kaya tiniyempuhan namin na walang padaan-daan na mga empleyado kaya no’ng tyempo na, pumasok agad ako sa CR at nagbihis. Takte, amoy ospital na ‘ko. Eew, kadiri amoy gamot na ewan, na parang hindi ko maexplain.
Ang bilis ko naman magbihis kaya umalis na kami ni ate Annie palabas ng ospital. Tiyempo pa rin, buti may pagka-ninja din ako, salamat! Hindi na lang nakapagsalita si ate Annie habang hinihila ko siya. Nakarating na kami ng parking lot at saktong nandoon pa ang sasakya ni ate Annie na nakaparada kaya agad ko na siyang pinasok sa driver’s seat, at ako naman sa tabi niya.
“Leila, I really don’t know what’s happening.” Tiningnan ko ang buong compound kung may makita akong mga tao, pero wala nang mga tao.
“Turn on the engine, kailangan natin pumunta sa bahay.” Tumango na lang siya at pinaandar na niya ang sasakyan, mahaba-haba pa ang biyahe namin kasi ang layo ng ospital na ‘to. At mamahalin pa, si mama na lang ang bahalang magbayad para sa stay ko doon. At worst pa, na-stranded kami sa gitna ng traffic and it sucks, kailangan ko kasing makausap si ate Annie ng masinsinan. Ayoko pa ngayon, nakakainis ang traffic.
BINABASA MO ANG
A life with Jeff (COMPLETED)
HumorLeila Wilkins a fifteen year-old is an only child of her family. Hindi naman siya nagiging spoiled brat sa pagpalaki sa kanya, she never experienced love. Her parents love her pero hindi iyon ang hinahanap niyang pagmamahal. Ang hinahanap niya, ay a...