16~ The Everlasting

1K 71 21
                                    

Note: Wala akong nakitang perfect na picture ni Jane the killer, kaya assume na siya na lang 'yong sa media! hehe, don't forget to comment!! 

---

After a week ay nakalabas na ako ng ospital. Actually pauwi na ako sa bahay, at do’n na muna pansamantala mag-stay si Ate Annie para mabantayan ako. Bakit naman kasi pinapasok ko pa siya sa bahay. Bakit ko pa siya pina-stay, at bakit pa ba ako nahulog sa kanya?! Peste talaga ako, tanga pa. Nakadungaw na lang ako sa bintana ng kotse habang si Ate Annie ang nagmamaneho.

“Leila, alam mo ba, unti-unti ko nang binabago si Liu. Kailan pa ako babalik para maging Annie?” I sigh,

“Wala ako sa mood pakinggan ang lovey-dovey mo.” She sigh, well bitter na kung bitter. Basta isa lang ang alam ko, gago si Jeff. I hate him, I fucking hate him. Siguro, hindi ko na siya makukuha sa Nina na ‘yon. Well, sa kanya na lang ‘yon, kanyang-kanya na. Ipalamon ko pa ng buo sa kanya ‘yon eh. Bagay naman sila eh, killer and killer. Leche.

“I know that you’re broken, at first time mo pang mainlove. Kay Jeff pa,” bigla akong napatingin sa direksyon ni Ate Annie na nagdadrive. Yumuko na lang ako, wala naman akong pag-asa siguro kay Jeff, ako lang naman ‘tong umaasa eh. I’m just his keeper, I don’t know if my term is right. But that is what it is. Asyumera pa ako, akalain ko ‘yon.

“Titigilan ko na siya, in case na pupunta siya sa bahay palalayasin ko na lang siya.” Bumuntong hininga na lang si Ate Annie. Gan’to ba ang nararamdaman pag unang mahal? Ang sakit eh, parang hinihiwa ng chopping knife ang puso mo sa dalawa. At—masakit pa rin, ‘di ko alam kung makakamove-on pa ako nito. Pero parte pa rin ito ng buhay ‘di ba? Ang masaktan?

Medyo natanaw ko na ang bahay na mag-isa lang na nakatirik sa lugar namin. Ipinarada na ni Ate Annie ang sasakyan at bumaba na siya. Ako nandito pa rin sa loob, buhay kung makita ko kaya siya sa kwarto ko—ayoko nang mag-assume, masasaktan lang ako lalo. Bumaba na rin ako ng sasakyan at dumiretso na papasok sa bahay. Sumunod na lang si Ate Annie sa ‘kin. Umakyat na kaagad ako ng kwarto at tiningnan ko ang sinulat niya dati sa dingding ng kwarto ko. ‘Yong ‘Sleep Well’ at ‘Sweetdreams’ tinitigan ko lang iyon ng ilang minuto. ‘Di ko namalayan na dumaloy na naman ang luha ko sa pisngi ko.

“I hate you Jeffrey Woods.” Napayukom ako ng palad at isinara ko ang pinto. Nasa kusina si Ate Annie, tatawagin ko na lang siya kung may kailangan ako. Tingin ko wala akong ganang kumain, tingin ko, wala na akong gana sa mundo. Peste naman kasi si Jeff eh, bakit ko pa ba siya minahal?!

“Leila! Baba ka lang pag nagutom ka ah? Manonood lang ako ng tv dito.” Ani Ate Annie, ‘di ko na lang sinagot ‘yon sumandal na lang ako sa couch ko. Dinampot ko ang psp ko at tinitigan ‘yon. Parang nag-flashback sa ‘kin ang mga pangyayari, kung paano siya napunta dito. Kung paano niya ako tangkang patayin sa pamamagitan ng pagsabi niya ng ‘Go To Sleep’. Napalunok na lang ako at napapikit.

“Oh, malayo pa kaya ang halloween bakit ka kasi nagcocostume diyan, wala kaming pagkain dito.”

“Matutulog ka ba, o papatayin kita?”

Leche ka talaga Jeff, you break my heart. Bumalikwas ako kasi may kumatok sa bintana ko. Isang tao lang naman ang palaging pumapasok sa bintana ng kwarto ko eh. Nagkatitigan pa kami ng ilang minuto. Hindi ako gumalaw, hindi ko siya pinagbuksan. Bahala siya diyan, magsawa siyang kakakatok ng bintana. Naasar siya siguro, kaya bigla niyang binasag ang bintana ng kwarto ko at lumapit sa ‘kin.

“Bakit ayaw mo akong pagbuksan?!” Pambungad niya sa ‘kin. Aba at siya pa ang may ganang magalit? Leche siya ah,

Hindi pa rin ako kumibo, para lang siyang hangin sa paningin ko. ‘Di ko makikita. Naglaro na lang ako ng pokemon sa psp ko. Bahala siya diyan, hindi ko siya papansinin. Malaking pinsala ang idinulot niya sa ‘kin, ‘no. Hmmp, akala niya papansinin ko siya.

A life with Jeff (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon