7. Golden Days

1.7K 35 2
                                    

Amara

Ano kayang iniisip nitong Five na 'to? Palagi talaga siyang tahimik e. Magkasama kami ngayon sa soccer field; ako, si Five at ang kapatid niyang bugnotin, si Four. Nakaupo kami sa bagong trimmed na damo habang kumakain ng potato fries maliban kay Five na nakahiga, nagbabasa ng aklat.

"Quatro!" Asik ko nang iharang niya ang katawan niya, tinatabunan ang magandang view—mukha ni Five.

"Kumain ka." Masungit na sagot nito saka sinubuan ako ng maraming fries. Ba't bigla na naman 'tong nabadtrip? Kanina, ayos naman 'to kausap.

"Ang sama nito!" Reklamo ko. Inagaw ko ang can ng coke niya saka tinungga 'yon.

"Ba't ang takaw mo?" Galit na sita niya saka sinubukang agawin ang inumin niya. "Akin na, Amara."

Naniningkit na naman ang mga mata niya. At kapag tinatawag na aniya ako ng Amara, galit na talaga 'yan. Tinatawag lang niya ang buo kong pangalan kapag seryoso ang usapan, kapag gusto niyang kunin ang atensiyon ko at kapag galit siya.

"Ang damot mo. Nauuhaw ako."

"You have yours."

"Ubos na." Sabi ko't humagikhik pa.

"Akin na." Inilayo ko kaagad ang kamay ko nang subukan niyang abutin ang hawak kong coke. Na-out balance ako at napahiga sa damuhan. Mabilis na pumatong si Four na nagpalaki ng mga mata ko.

"Quatro? Ano'ng ginagawa mo?"

Ngumisi lang ang kumag. Hala! Baka makita kami ni Five. With that, nilingon ko si Five. Tiningnan niya lang kami saglit saka inilingan.

"Napaka-ano mo talaga!" Inis na sambit ko sabay tulak kay Four. "Yan. Sa'yo na 'yan."

Dahil sa sobrang asar, iniwan ko sila sa field. Mahanap na nga lang si Mattina at Ethan. Malamang, nasa library si Ethan at si Tina... Napairap ako nang mamataan ko ito kaagad. Cheer ng cheer kay kuya Theo na nagpapractice ng baseball. Luh.

"Amara!"

Ang galing. Ayaw akong pahirapang magpunta sa library. Nandito na ang isang hinahanap ko.

"Are you okay?" Tanong niya, nakatitig ng matama sa'kin.

"Oo naman."

Ethan stops walking and looks forward. I check and see Four coming toward us. Mindlessly, I roll my eyes.

"Hey, nerd." Nakangising bati ng kupal kay Ethan.

"Oy, yabang." Ganting bati ni Ethan. Napangisi ako. Kinindatan ko pa si Ethan.

"Nice hair." Komento ni Four saka umalis na parang natatawa. Sarap talagang sipain! Ang sama ng ugali.

"Sorry Ethan. 'Wag mong pansinin 'yon."

"Hindi. Okay lang. Sanay narin naman ako sa mayabang na 'yon."

We are in junior highschool while Four is in Senior high school. He is a year ahead of me and Five. Si kuya Theo naman, nasa college na pero sa ESA din nag-aaral.

When we all go to college, Four and I have more time to be together. Pareho kasing music ang kinuha namin. Business Management naman ang kurso ni Tina at Ethan. But during vacant hours, nagkakasama parin kami.

"Oh? Sa'n ka pupunta?" Sita ni Four na daig pa si kuya sa sobrang protective.

"Hahanapin ko si Five. Liligawan ko." Pang-aasar ko rito. Kainis 'to e. Ayaw akong suportaan sa kapatid niya. Tiningnan niya ako na parang nandidiri kaya napahagalpak ako ng tawa. "Oo na. Gets ko na. Ayaw mo 'kong maging kapamilya niyo. Pero kapag si Five nagkagusto sa'kin, sasagutin ko kaagad para mabuwiset kita lagi."

LIKE I NEVER LEFT °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon