17. Night

2K 97 31
                                    


Amara

Sa naalala ko, ako 'yong nag-offer kay Four na matulog muna. Pero ang nangyari, matapos mag-ayos ng mga gamit namin ni Darryl, ako 'yong nakatulog. Nagising na nga lang ako nang gisingin ako ni mama para sa hapunan. Si Four ang nagluto at mga paborito ko ang niluto niya.

"Good morning, sungit. Kumustang tulog mo?" Nakangiting bungad ng kumag pagpasok ko ng dining room. Nakakainis din dahil nakangiti silang lahat habang pinapanood kami—sina mama, papa, si kuya Theo at lalo na si Mattina. It's Saturday so it's always a family dinner. Dapat kumpleto kami. Sumobra nga lang yata ngayon. May epal e.

"Ba't ka nandito?" Pabulong na tanong ko sabay taas ng kilay. Nagkunwari siyang nasaksak sa dibdib at umaray pa. "Sira ulo 'to." Sambit ko saka siya kinurot sa tagiliran.

"Hay naku. Sweetness overload." Anas ni Mattina na pinandilatan ko kaagad. Inirapan niya lang din ako.

During the dinner, everyone is talking about a lot of things but mostly, they are so interested with Four's life as an artist. Si Mattina 'yong nagpupush ng topic, obviously.

"So kailan ka babalik ng States? Di ba nga ongoing pa 'yong world tour concerts niyo?" Tanong ni Mattina na halatang fan ng banda ni Four. Tumingin sa'kin si Four samantalang mabilis naman akong nag-iwas ng tingin. "Ayaw kang paalisin ni bff?"

"Tina." Nakabusangot na saway ko sa kanya.

"Hindi." Singit na ni Four. "Gusto nga akong paalisin niyan e." Sabi niya sa tonong kunwari nagdadamdam. "Yong seryoso, hindi ko alam kung kailan ko makakayang 'di makita 'tong makulit na 'to." Aniya patungkol sa anak naming abala sa pagkain. Kinurot pa ni Four ang malusog na pisngi nito. Ngumiti lang si Darryl at nagpatuloy sa pagkain. She loves food more than anything. Oh, that's so me. I know.

"You mean, hindi ka na babalik?"Hindi makapaniwalang sambit ni Mattina.

"Yeah. I want to stay."

Pinukulan ako ni kuya Theo ng makahulugang tingin. At hindi na ako nagtaka na pagkatapos ng dinner, kinausap niya ako. I am so sure it's going to be about Four.

"Nagkabalikan na kayo?" Diretsahan niyang tanong. He doesn't sound angry but I still bring myself to abrupt defense.

"Kuya—"

"Naninigurado lang." Sagot niya, hindi ako pinapatapos sa sasabihin ko. "Ayaw kong masaktan ka ulit. And I really don't know what I'll do if he breaks your heart again."

"It's okay kuya. It's my responsibility to look after this." Sabi ko sabay turo sa puso ko. "At saka 'yong nangyari noon, siguro, dapat talagang mangyari 'yon. We were just so young back then. Four is right. I mean, kasalanan niya na nag-iwan nalang siya bigla. Masakit tanggapin na bigla nalang nagbago ang isip niya but who are we to judge, we were young. Alam naman nating lahat na palaging padalos-dalos ang desisyon natin noong mga bata pa tayo."

Ilang minutong nakatayo lang kami ni kuya sa porch, parehong tahimik.

"He came, Mara." Kuya states later on, making me turn to him. "The night after the wedding, pumunta si Four dito sa bahay. Nagmamakaawa siyang makita ka. He was drunk and I was so mad. Binugbog ko nga e." Four has told me about it already. "I told him to come back on the next day because I don't want you to talk to someone under the influence of alcohol. And the jerk never came back. Naglayas pa sa kanila. Seeing you broken for seven years Amara made me want to break his face when he came back."

Nginitian ko siya.

"About that night, he already told me kuya." Sabi kong tinanguan niya. "But it doesn't matter anymore. Ang gusto ko lang, kasama ko palagi 'yong anak ko. Masaya na ako sa kung anong set-up meron kami ngayon."

LIKE I NEVER LEFT °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon