Amara
Mabilis na itinulak ko si Four at tumakbo para sundan si Ethan. Nakapasok siya agad ng kotse at pinaharurot ito. Sa sobrang inis at galit ko ay binalikan ko si Four at pinaghahampas sa braso at dibdib.
"Gago ka! I hate you, Four! I hate you! Wala ka ng ginawa sa buhay kundi mangwasak at manggulo! Umalis ka dito! Umalis ka dito, gago ka!" Naluluha kong sigaw.
"Amara, tama na."
"At ang kapal naman talaga ng mukha mo!" Sinampal ko siya matapos niyang sabihan akong tumigil. "Ang kapal ng mukha mo! Umalis ka dito! Umalis ka sa harapan ko!"
"Mara, I'm sorry. I was just—"
"You were what?"
"I was..."
"You were just being a jerk! That's what you always are!" Sigaw ko sa kanya.
"Gusto lang naman kitang ihatid e. Please—"
"At sa tingin mo sasama ako sa'yo pagkatapos mong gawin 'yon? 'Wag na 'wag kang magpapakita sa'kin!" Naiiyak na asik ko sa kanya saka tumakbo, umaasang may dadaan na taxi. Habang papalayo, nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko.
"Mara." Talagang sinundan pa ako ng bwesit.
"Get lost, Palmer!"
Ang tagal naman ng taxi. Nasaan na ba ang mga taxi sa mundo? Nakakainis! Abala ako sa pagpupunas ng pisngi ko nang may humintong taxi sa tapat ko. Salamat naman.
Mabuti nalang talaga at sobrang mahal ko ang musika at ang mga bata. Nabago agad ang mood ko nang makita ang mga students ko para sa piano class. Somehow, I manage to forget what happened during the morning.
"Kuya?" Kausap ko si kuya Theo during lunch break.
"Hindi pumasok ang anak mo sa dance school. Nahuli rin namin ni Mattina na may kausap sa telepono."
"Ano?" Well, she knows how to use the telephone. She'd even call me by herself using the telephone at home especially that she memorized my digits.
"Sino kamu."
"Sino ba'ng kausap niya?" Usisa ko. Masama na ang pakiramdam ko. Feeling ko 'di ko ikakasaya ang sagot.
"Sino pa ba? Ang magaling mong ex."
"Sige kuya. Uuwi ako kaagad pagkatapos ng trabaho."
"Ba't nga pala hindi dumating si Ethan?"
Damn. Hindi ko pa nga pala nakakausap ang isang 'yon. Ayaw sagutin ang tawag ko eh. Hay naku, Amara. Wag mo kasing minamaliit ang kagaguhan ng ex mong 'yon. Lahat ng kagaguhan sa mundo nanalaytay sa dugo niya.
Talaga naman... Hoo. Hindi nga talaga matatahimik ang kaluluwa niya kapag 'di ako nagugulo. Paglabas ko ng academy pagkatapos ng trabaho, siya kaagad ang bumungad sa'kin. Para iwasang masirang lalo ang araw ko, bumalik ako sa dinaanan ko. But Four isn't that type of jerk who'd let me go without trying to stop me. Given that, he grabs my wrist and I find that as a reason to give him another slap on the face.
"Hindi ka ba talaga titigil? Can you leave? Please lang, Four. Maawa ka sa'kin, tigilan mo na ako."
"I just want to talk—"
"Tungkol kay Darryl? I already told you. Hindi ko siya hahayaang makalapit sa'yo. Pamilya mo lang ang pwedeng dumalaw sa kanya." Galit na pahayag ko.
"Mara naman."
"Ano? Sige. Pumunta ka ng bahay. Kung papapasukin ka ng mga tao do'n, good for you." Sarkastikong sabi ko. I am sure that everyone hates him as much as I do.
BINABASA MO ANG
LIKE I NEVER LEFT °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: FOUR] - I was scared not because you love me, I was scared you'd change your mind because that's what you always do.