24. Swimming

1.8K 88 22
                                    

Amara

"Live with me, Amara." He spits out, breaking the silence between us.

Napaupo ako ng maayos matapos niyang sambitin 'yon. Aaminin ko, puno parin ng takot ang puso ko. Ang hirap magtiwala ulit. Napukaw ni Four ang naglalakbay kong isip nang hawakan niya ang kamay ko't umisod siya papalapit sa'kin.

"I know you still doubt me and I can't blame you." He says, making me stare at him. Four caresses my cheek lightly with his hand and rests it under my chin. "Mahal kita Amara. Live with me and I'll prove you every day of our lives that I do. I love you."

"Hindi ko alam. Paano kung ma-miss mo 'yong pagperform... tapos magbago ulit 'yong isip mo? Tapos..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinarang ni Four ang kanyang daliri sa'king labi.

"Marry me." Four blurts making my heart beat so much faster than its usual pace. "Marry me, Amara. Help me make it right. Marry me."

Dire-diretsong bumuhos ang luha ko at kusa akong ibinalik ng isip ko sa nakaraan—kung paano kami nagsimula hanggang sa yayain niya akong magpakasal.

***

"Amara, gising na. Ang tagal mong bumangon, may bisita ka sa baba."

"Mama naman eh. Walang namang pasok ngayon. Inaantok pa ako."

"May manliligaw ka sa baba." Wika ni mama na nagpabangon sa'kin. Nawala agad ang antok ko. For the record, walang may lakas loob na manligaw sa'kin dahil lahat naman tinatakot ni Four at nina kuya Dos.

"Ewan ko sa'yo ma."

"Sos. 'Yang mukhang 'yan Amara. Ano'ng gimik na naman kasi 'to ha? Matagal na naming alam ng tita Demi mo na kayo na."

"Anong kami na?"

"Ano ka ba? Bilisan mo na diyan. Kanina pa naghihintay sa baba si Four." Pahayag niya at saka lumabas ng kwarto. Ni hindi man lang ako hinayaang sumagot. Teka. Four. Si Four? 'Yong ba ang narinig kong sinabi ni mama? Whoa.

Being so comfortable around Four and the other Palmers, I do not bother to take a bath and change into something decent. Instead, I run downstairs to check if mama tells the truth. It turns out, she does. I am on my pajama while Four is dressed so decently.  Nakangiti pa siya habang tinititigan ako. Ano na namang trip nitong kumag na 'to?

"Ano'ng ginagawa mo dito? Ano'ng sinabi mo kay mama?" Sita ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hinila ko siya palabas ng bahay. "Quatro ha, tumigil ka sa pangti-trip mo sa'kin."

"Gusto mo iba nalang ang ligawan ko?" Nakangising tanong niya. Kalmadong-kalmado pa ang timang samantalang ako, pakiramdam ko mahihimatay ako any minute.

LIKE I NEVER LEFT °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon