4. Church

2.2K 102 60
                                    

Amara

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Pero pagkatapos ng lahat, may karapatan akong magdesisyon para sa aming dalawa.

"Mara, sa'n ka pupunta?" Sita ni kuya nang makita niya akong paalis ng bahay.

"Ah. Susunduin ko si Darryl sa dance school. Lalabas kami."

"I'll go with you."

"Kuya? Para kang timang." I say rolling my eyes.

"Baka kasi magpapakatanga ka na naman at sisipot ka sa kasal ng gago mong ex." Pagpaparinig niya.

"Daig mo pa si papa ano? Tsk. Ewan ko sa'yo. Sige na aalis na ako."

"Si Darryl ang pupuntahan mo, 'di mo kailangang maglipstick ng ganyan." Parang timang talaga 'tong replica ni Tobias. Tsk. "Wala si Darryl sa simbahan ha?" Pahabol nitong sigaw. Gago din talaga eh. Hindi ko talaga maintindihan hanggang ngayon kung ano ang nagustuhan ni Mattina sa kanya. Talagang pinakasalan pa siya ng bestfriend ko e gago din naman siya. Tsk. Baka ginayuma ni kuya si Tina. Lagi pa namang nasa bahay si Tina mula noong highschool.

Agad na nagbago ang ihip ng hangin nang nasa kotse na ako at mag-isa. Hindi sinasadyang bumalik sa alaala ko ang araw ng kasal sana namin ni Four. Papunta palang ako ng simbahan, alam ko na non na magbabago ang isip niya. Kilala ko na siya e. Palaging nagbabago ang isip niya. The whole time that we're together, I was just waiting for the day he'll say that he doesn't love me anymore. Nakakatawa na sobrang sakit. Damang-dama ko kaya ang paraan ng pagpapaalam sa'king 'di niya na ako mahal. Sana binigkas niya talaga hindi 'yong iniwan nalang akong nakabitin sa ere.

Bago pa ako maaksidente, pinunasan ko na ang luha kong nagpapalabo ng paningin ko. Tama lang na pakasalan niya 'yong babae. Klaro namang mahal na mahal siya non e. Aalagaan siya non. And the woman is definitely lucky... I mean, Four will be there at wedding. He will show up.

"Where are you, Mara?" Nahihimigan ko ang pagkataranta ni Mattina sa boses niyang nanginginig nang sagutin ko ang tawag niya. Buti naka bluetooth headphone ako kaya sinagot ko kaagad.

"I'm heading to school to get Darryl."

"You have to go to the church." She announces, voice still shaking in panic.

"Church? Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Tinawagan ako ni Irish. Kinuha ni Four si Darryl."

Mabilis na napaapak ako sa break nang marinig ang sinabi niya. This jerk! Halos paliparin ko na ang kotse dahil sa sobrang takot nang magsink-in ang sinabi ni Tina.

"Tita?" Walang pagdadalawang isip na lumapit ako kay tita Demi. "Si Four po?"

"Kanina pa kami nandito, hindi pa dumadating. Kanina pa iyak ng iyak si Tiara."

Napahagulhol ako sa magkahalong dahilan. Humanda ka sa'kin Quatro! Talagang gusto mong basagin ko 'yang mukha mo!

"Amara, what's wrong?"

"Four is here." Everyone gossips and we all turn our head around to see Four. He carries my little girl in his arms.

"Four!" Sabay na sigaw namin ng fiancee niya. Nagkatinginan ang mga tao saka nagbulungan.

"What's this?" Tiara exclaims.

"We cannot get married." He says impulsively. How could he change his mind like that! "Tiara, this is my daughter and I don't think this marriage is going to help me fix my life. We can't get married."

"Lahat talaga gagawin mo Four 'wag lang akong pakasalan? Where did you even pick that kid from huh?"

"Mommy!" Darryl calls out when she spots me and that makes Tiara look at me with sharp glares.

LIKE I NEVER LEFT °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon