34. On this Day

1.5K 101 101
                                    

Amara

"Mommy-love!" Tili ni Darryl na nagpangiti sa'kin ng abot-tenga. "You look like a disney princess mom." She mumbles adoringly, just staring into my eyes. Those eyes, they always remind me of her father. I can always see him through our daughter's eyes. "You are so beautiful mom. Wow. Dad will have his jaw drop. I can't wait to see him."

"Me too, girlfriend." I say happily.

"Oh my gosh, Mara!"Tina squeals who just gets in the room. She even clasps her hands together and brings it to her mouth. "Babe, you are so beautiful!"

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa anak kong parehong nakatitig sa'kin. Ang mga ngiti sa labi nila, totoong-totoo.

"Are you ready? Nasa kotse na sina mama at papa. Si Theo ang magda-drive."

"Kinakabahan ako, Tina." Pag-amin kong nagpaalis ng ngiti niya. Wait. This is deja vu. Mabilis na winaksi ko sa isip ko ang isiping 'yon. "Babylove, tell mama lola we're coming."

"Okay mom. Don't take long, okay? I'm excited to see daddy." Aniyang nagpangiti ulit sa'kin. Inayos ko muna ang flower crown niya bago siya hayaang lumabas ng kwarto. "Mattina, natatakot ako."

"Hey don't cry, babe. You'll ruin your make up." I wouldn't realize that I'm crying if she didn't say that. Tina wipes my tears carefully with her hands. "Ano ka ba? Mahal na mahal ka ni Four. Sobrang mahal. Lahat kami nakikita 'yon."

"Ayaw  kong maramdaman 'to pero talagang natatakot ako."

"Listen Mara, Four will be there. Lahat ng kinatatakutan mo, nakaraan na 'yon. Hindi na 'yon mangyayari ulit. Four wouldn't give up everything for you if he doesn't love you." After a few more convincing words from Mattina, the fear in me subsides a bit.

Pagpasok namin ng limousine, nang magtagpo ang tingin namin nina mama at papa, mabilis na tumulo ang luha ng dalawa. Si mama naman, agad akong niyakap.

"Ang ganda-ganda mo anak. Masayang-masaya kami ng papa mo para sa'yo." Aniya.

"Thanks ma. Mahal na mahal ko kayo."

Hindi naman nagpahuli si papa, niyakap niya rin ako matapos akong bitiwan ni mama. Si kuya naman, nginitian ako ng makahulugan pero kita ko rin ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya. It's a feeling that's so hard to define. But it's so good. The feeling is so good.

"Are you ready to see dad, mom?" Tanong ni Darryl na nagpatango sa'kin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Her reaction is sweet and funny. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa'kin. Tila ba gandang-ganda talaga siya sa'kin. She doesn't even blink so often. Titig na titig lang siya sa'kin and I see her daddy again, staring at me like I'm the most beautiful thing on earth.

"Kuya, pwedeng lakasan niyo pa 'yong aircon?" Napatingin sa'kin si Mattina ng nakakunot ang noo. I look at her with questioning eyes. She shakes her head in reply. Weird.

"Mara. Full na 'yan." Sagot ni Kuya Theo.

"Ang init kasi." Patuloy na reklamo ko.

"Ang lamig-lamig ng kamay mo 'nak." Bulong ni papa. Napaupo ako ng maayos at tumigil sa pagpapahid ng pawis sa noo ko. "Relax sweetheart. Four will be there."

Walang traffic kaya nakarating kaagad kami sa simbahan. Heto na naman, tumatambol na naman ang puso ko sa sobrang kaba. Gustong-gusto ko ng lumabas ng kotse para hanapin si Four.

"Lalabas na kami. Mattina will stay here with you." Sabi ni mama na tinanguan ko lang. Isinama narin nila si Darryl dahil panay ang pangungulit nito. Gusto na raw niya kasing makita ang daddy niya.

LIKE I NEVER LEFT °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon