02

756 25 16
                                    

Candice

Present Day...

"Uy! Candice!"

Nagising ako ng maramdaman kong may umaalog sa balikat ko. Napabangon ako tsaka napahikab. Napatingin ako sa kaibigan kong si Hailee na sya palang umaalog sa akin.

"Kanina ka pa natutulog dyan. Sabi mo may tatapusin ka pa?"

Sabi nya at napahawak naman ako sa noo ko. Aish, oo nga pala. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Humarap na ako sa computer ko tsaka nag-sorry sa kanya.

"Sorry Hailee. Nakatulog kasi ako eh.."

Sabi ko. Naupo na sya sa tabi ko at biglang ngumisi sa akin.

"Ok lang, ano ka ba. Ginising lang kita para di ka mahuli ni Madam."

Sabi nya at parehas kami natawa sa pag banggit palang ng mala demonyo naming amo. Ka-officemate ko nga pala tong si Hailee. Simula ng makapasok ako dito, sya ang una kong nakausap hanggang sa maging kaibigan na kami. At nagtratrabaho kami bilang isang journalists dito sa isang malaking kompanya.

"Oo nga pala, ano pinapanaginipan mo?"

Tanong nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya tsaka napakunot noo.

"Huh?"

"Eh kase kanina naririnig kita may binabanggit kang pangalan. Changbin, tama ba?"

Sabi nya at di ko alam ba't napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bigla ko nanaman naalala yung alaalang iyon na pilit kong kinakalimutan. Napabuntong hininga ako tsaka muling nagpatuloy sa ginagawa ko.

"W-wala yun. Kung ano-ano talaga sinasabi ko kapag tulog ako."

Sabi ko at tinulak nya naman yung swivel chair nya papalapit sa akin. Tinignan ko sya at nakangiti sya sa akin ngayon ng nakakaloko.

"B-bakit?"

"I smell something fishy.."

Sabi nya. Muli akong napabuntong hininga tsaka tinulak sya palayo sa akin.

"Sus. Baka hininga mo lang yun."

Sabi ko at tinawanan sya. Agad naman sya napatakip sa bibig nya.

"H-hoy! FYI, nagtoothbrush ako kanina no!"

Depensa nya at napahalakhak nalang ulit ako. Maya-maya ay natigilan ako ng biglang may nangtakip ng mata ko. At alam ko na agad kung sino iyon.

"Hyunjin, alam kong ikaw yan."

Sabi ko at inalis yung kamay nya sa mata ko. Tumawa naman sya tsaka lumuhod sa gitna namin ni Hailee.

"Pano mo nalaman na ako yun, huh?"

"Syempre, parati mo na yun ginagawa sa akin eh!"

Sabi ko. Ngumiti naman sya sa akin tsaka kinurot-kurot tong kawawang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga, Candice!"

IT'S YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon